"What happened?" baritonong boses ni Randell ang nangibabaw sa katahimikan na mga nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa lalaking nakalebel sa akin ngayon na walang pakeelam sa kaniyang ginagawa. Pati ang mga kaklase kong lalaki ay nakatingin din sa kaniya.
Ako naman itong napapikit dahil sa kahihiyan.
Anong ginagawa niya rito?
Nilibot ko ang tingin para tignan ang mga kaklase ko na mga nakatitig lang din sa kaniya na akala mo'y nakakita ng alien.
"Bakit ka nandito?" tanong ko at sinulyapan pa si Leticia sa gilid na nakangising aso na. Siya ba ang may pakana nito?
"I asked you first, bakit namumula 'yang mukha mo?" Malamig niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin.
Hindi ko alam kung pamumula ba sa pagkatama sa aking ng bola o sa masyadong lapit ng kaniyang mukha.
"Mainit" simple kong sagot. Bahagya ko rin siyang tinulak dahil halos mahalikan na niya ako sa lapit.
He eyed me seriously and frowned. Nanatili naman akong inaalalayan ni Lina at inaayos ang tapis sa ulo ko.
Nilibot niya ang tingin sa mga kaklase ko at nakita kong nagtagal pa ang tingin niya kay Clea. It's my turn to frown. Nagtagal din ang tingin ko kay Clea na nakataas ang kilay sa kaniya at nang bumaling sa akin ay sumeryoso ang tingin.
Parang may dumagan sa dibdib ko at nag-iwas ng tingin.
Don't tell me may something sa kanila?
Bumalik ang tingin sa amin ni Randell. "Anong nangyari sa kaniya?"
Naramdaman ko pa ang pagkagulantang ni Lina na nasa tabi ko. Siya ang tinatanong ni Randell.
"U-uh, natamaan siya ng bola" ani Lina.
I sighed making Randell's eyes pierce through me. Nasa baba ngayon ang aking tingin para hindi makita si Randell na alam kong nakatingin pa rin sakin at tila ba'y nanunuri.
"Let's get you check in a nearby clinic" anito na ikina-angat ng ulo ko.
Marahan niyang hinawakan ang panga ko at sinuri na rin ang noo kong nararamdaman kong kumikirot. Hindi na ako nakatanggi pa nang makita ang madilim niyang mukha.
Iniwan ko si Leticia roon at sumama kay Randell sa sasakyan niya. Inaya rin niyang sumama si Leticia pero ang gaga, tumanggi at sinabing kailangan daw namin ng privacy.
As if may tinatago kami, 'diba.
"Masakit ba?" umiling ako sa Nurse na nag-a-assist sa akin ngayon. Baka raw magkabukol lang daw na maliit lalo na't sabi ko ay naagapan naman ng yelo. Tsaka hindi naman ganoon kasakit iyon pero nakaramdam ako ng hilo. Naalog siguro ang utak ko.
At baka matauhan na ako.
Lumayo ito sa akin at nilapitan si Randell. May pinag-usapan sila na hindi ko maintindihan dahil tinulak ako ng antok, pero bigla akong pinigilan ng nurse na matulog. Bawal daw!
Anong gagawin ko ngayon? Inaantok ako sa hilo!
Inabala ko na lamang sarili ko sa kung ano ang sasabihin ko kay Randell. Napag-isipan ko na rin itong gagawin ko na 'to. Masyado na akong naguguluhan at gusto ko nang ilabas ang gumugulo sa utak ko.
Hindi naman ako magkakaganto kung hindi dahil sa kaniya eh! Bigla niya na lang ako pinaparamdam ng kung ano-ano!
And I'm too ignorant about it. Wala naman kasi akong nasasaksihan na ganitong bagay sa mga tao lalo na't loner ako at walang pinapansin. Kaya gusto ko rin malaman kung anong nararamdaman niya tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...