18

110 8 8
                                    

"Lomi, bilisan mo naman!" Inis na turan ni Randell.

We're waiting for Lomi dahil may practice daw siya sa bahay ng kaklase. I crouched at Dos to pat him. He's coming with us today. Pagkahatid namin kay Lomi sa kaklase niya ay pupunta kami sa bagong park sa kabilang lugar. It's a newly built park; a multi-purpose one. Randell said it has a playground, an event hall, and some food stalls.

"Tara na!" Nang makababa si Lomi ay agad kami pumasok sa sasakyan.

Medyo malapit din naman iyon sa pupuntahan namin kaya mabilis lang namin nakita iyon.

Tinuro niya ang blue na gate at bumaba. Naroon na ang mga kaklase niya kaya umalis na rin kami.

"Wala ka bang ibang pupuntahan?" Ani Randell at nagmaniobre pabalik sa daan.

"Wala naman" sagot ko habang hinahaplos si Dos na nasa kandungan ko.

Nang makarating kami sa park na tinutukoy niya ay namangha ako sa linis noon. Berdeng-berde ang bermuda grass, malinis ang paligid, at marami ring taong nagkalat kasama ang kanilang mga aso. May sign din na bawal magkalat at bawal magpatae ng aso which is tama naman para mapanatili ang kalinis noon.

"Baka dito ko na lang madalas dalhin si Dos" sabi ko at pinakawalan si Dos.

"Pwede rin" ani Randell na nakabulsa ang mga kamay.

He looks fresh today. He's wearing a green sweater and cream cotton shorts. Mukha siyang mabait at hindi nangbwibwisit.

Napasadahan ko tuloy ng tingin ang suot ko. Just a powder blue sleeveless ruffled blouse and high-rise shorts paired with sneakers. Kinumpara ko ang sarili sa kaniya.

Mukha pala kaming magkapatid.

Nang makaupo kami sa isang bench ay nagpaalam si Randell na bibili raw siya ng makakain. Pagkabalik ay inabot niya sa akin ang isang waffle at frappe.

"Next week na ang test niyo?" Tanong niya na ikinatango ko naman.

"Yeah" sagot ko at kumagat sa kinakain.

"Kung may nahihirapan kang subject, I'm free..." Aniya na ikinalingon ko sa kaniya.

Malayo ang tingin niya habang kumakain. Unti-unting umangat ang sulok ng labi ko.

"Free saan?" Pagkukunwari ko at ipinatong ang aking hita sa isa.

I caught him take a glance at it. Tumingin na rin siya sa akin.

"Any subject, kung may hindi ka naintindihan..." aniya na dahan-dahan ko namang ikinatango bilang pagtanggap doon.

"Mahina ka sa Science, 'diba? Sabi mo" makahulugan kong sabi at dinala sa harap ang mata.

Sumimangot siya at humilig sa bench. Ipinatong ang siko sa batong sandalan.

"Damn it... kalimutan mo na 'yon" aniya at napapikit pa.

Natawa naman ako sa kaniya at hindi siya tinigilan sa pang-aasar. Ngumingisi lang siya at madalas kurutin ang pisngi ko. Lumalabas din ang dimples niya kaya naman hinawakan ko pa 'yon. Ang lalim kasi...

Maya-maya lang ay lumulam ang langit kaya napagpasiyahan namin hanapin na si Dos. Isa-isa na ring naglalabas ng payong ang mga tao.

"Asan na ba 'yon, baka makabuntis pa 'yon" bulong ko na mukhang narinig ni Randell kasi narinig ko siyang tumawa.

Nakita namin siya sa tabi ng puno na may kalaro ring aso. It's a Labrador. I think kasi cream at maganda ang buhok nito. Nag-aagawan sila sa isang laruan kaya agad kong hinawakan ang tali niya pero ayaw niyang bumitaw.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon