8

131 13 27
                                    

Sunday ay rest day para sa akin. Kahit anong oras ako magising ay ayos lang dahil wala naman akong gagawin pero bakit ako ginigising nang maaga ngayon? Napakunot ang noo ko sa ingay.

Ano ba 'yon? Hay nako!

Nagtanggal na ako ng kumot para bumangon. Bakit ba tahol nang tahol si Dos eh ang aga-aga pa. Inayos ko ang buhok ko at pinusod bago bumaba sa sala. May kumakatok at tinatahulan naman iyon ni Dos.

Ang aga aga, nambubulabog! At sigurado akong hindi sila aling Linda iyon dahil hindi naman sila ganoon. Nagtoothbrush at naglinis muna ako ng mukha. Pagkatapos maghilamos ay binuksan ko na ang pinto. Nang malaman kung sino ang mga nasa harap ko ay hindi ako agad nakareact.

Hindi ko alam kung inaantok pa ako o hindi pa nagsisink-in sakin ang mga nasa harap ko ngayon.

Anong ginagawa nila dito?

Ang pitong lalaki ang nasa harap ko. Ang nasa harap nila ngayon si Annie na naka white dress that made her look more angelic.

"Can we come in?" Annie said with her soft voice. She's already looking for Dos so I widen the door open.

"Uh, pasok kayo?" Alangan kong tanong. Hindi ko pa sure kung papapasukin sila pero nagsipasok din sila.

Buti na lang at hindi magulo ang apartment ko kaya hindi na rin ako nangamba sa kalat.

"Dito ka nakatira, Maye?" ani Art na tila ba'y namamangha.

"Sa tingin mo saan?" Pambabara ni Crane.

Nagsi-upo sila sa sala at halatang hindi sila kasya kaya sa sahig nagsi-upo sina Clane at Larry. Habang busy sila sa paglibot ng tingin sa bahay ko ay nagpaalam muna akong magbihis dahil nakapangtulog pa ako!

Buti na lang at hindi nila napansin ang suot ko at mabilis na nagbihis. Nagbihis lang ako ng pangbahay at bumaba. Nakikipaglaro na sila ngayon kay Dos. Natuon naman ang atensyon ni Randell sa akin kaya naman iniwas ko ang tingin at pumasok sa kusina.

"Uh, nag-umagahan na ba kayo?" Anyaya ko sa mga naroon.

"Oo, kakakain lang namin" nakangiting sagot ni Kuya Gab na ikinatango ko naman.

Nagsisugod naman agad itong sina Art at Lomi sa kusina.

"Maye, may cereals ka d'yan?" ani Art na nakangisi na habang si Lomi ay nakatingin lang sa akin.

Nang maalala ang sinabi ni Randell kahapon ay ngumiti agad ako sa kaniya.

"Oo, ano bang gusto niyo?" sabi ko at binuksan ang upper cabinet.

"Magsibalik nga kayo rito, mga uripon! Hindi kayo mahiya!" Ani Kuya Gab at tinuro ang dalawa. si Crane naman ay nakahiga na sa sofa at mukhang matutulog. Lagi na lang ganito si Crane.

"Wow! Ang dami mong stock!" namamanghang sabi ni Art at natawa kalaunan.

Tinuro niya ang corn flakes kaya iyon ang kinuha ko. Pinapak naman nila 'yon ni Lomi. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

"Akala ko ba kumain na kayo?" natatawa kong sabi nang magsalin ulit sila. Napaangat ng tingin sakin si Lomi at lumapit.

"Si Kuya Gab kasi nagluto kanina dahil day-off ni Nanay Patrina. Kila Annie kami natulog kagabi" bulong niya sa akin.

"Oh tapos?" nagtataka kong tanong na ikina-angat muli ng ulo niya.

"Tapos nando'n din si Kuya Shan, nagseminar na naman dahil gusto namin ay cereals. Sabi niya na dapat daw ang umagahan namin ay kanin at masustansya para daw may lakas kami sa buong araw" aniya at nagkibit-balikat. I chuckled at his remark.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon