"The green one! Bagay sa'yo 'yon"
Napasimangot ako kay Ria na kinakalkal na ang cabinet ko. Hindi ko alam kung anong trip niya dahil alas sais ng umaga, gustong magswimming.
Hindi ko rin siya masisisi dahil maganda nga ang panahon ngayon. Tsaka bakasyon na rin namin ito bago matapos ang summer at may klase na.
"Fine" sabi ko na ikinangisi niya.
Naka two piece bikini na siya na color black. Mabuti nga at good mood na siya. I can't stand seeing her sulking. Para bang madadamay ka sa mood niya.
Pagkatapos magbihis ay nagpatong ako ng see through dress. Sa baba na namin iyon tatanggalin.
She's busy checking herself on the mirror when I notice something on her neck.
"Ria, ano 'yan?" Turo ko sa nasa leeg niya. Medyo namumula ang parteng iyon pero hindi gaanong kita dahil medyo tago. Kung tititigan mo at malapit mo titignan, halata nga ang namumula.
"Malamok kagabi sa labas" sabi lang niya na parang wala lang iyon. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na siya pinansin.
Bumaba na kami at nagbreakfast muna kasama sina Kuya at Ate. They are all complete and already on their swimwears. Hinihintay lang yata kami. Maaga rin pala silang nagising. Like the usual breakfast pero may iba ring seafoods na inihain.
"There was an after party ah, hindi ko kayo nakita, Maye, Ria?" si Ate.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hinatid ako ni Randell sa kwarto ko. He said that they also checked in kaya ayos lang na gabihin siya. I feel lighter when we had that talk.
Kapag naaalala ang pinag-usapan, hindi ko na lang maiwasang mangiti.
Nang mapansin naman ang paghihintay ng sagot ni Ate ay tumikhim ako. "Ah, Inantok agad ako, Ate" sabi ko na ikinatango na lamang niya at hindi na nagtanong pa.
They continued talking about the party last night. Hindi ako makarelate dahil hindi ko alam ang nangyari. I glanced at Ria who's eating in silent but also talking to me from time to time. Si Kuya ay nasa tabi niya na nakikipag-usap lang din kila Ate.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna ako at nilibot ang tingin sa paligid. Umihip ang hangin, sanhi ng pag-iingay ng wind chimes. I smiled peacefully.
Tumungo naman kami ni Ria sa mga sun loungers malapit sa dalampasigan. Nakadress pa rin kaming dalawa at naka-sun glasses.
Sumunod na rin sila Ate at Kuya. Si Kuya Jake ay kalaro na ang mga bata na excited na nagsisitakbuhan papalapit sa dagat. Si Kuya Jace naman ay nakatayo sa gilid namin. Madalas ang pagsulyap kay Ria na nakahiga sa sun loungers.
"Bakit ang agang umuwi nila mama, Mike? Hindi ko na sila naabutan" si Ate na nakahiga rin. Malaki-laki na rin ang tiyan niya.
"May aasikasuhin daw pero naiwan si Mikee" anang asawa niya na ikinatango ni Ate. I glanced at Kuya Jace who's now silently watching in front. Nakahalukipkip.
"Lomi, hintayin mo ako!"
Pasimple akong sumulyap sa gawi kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. It was Annie. Nakarush guard at shorts. Nakashades ako kaya hindi pansin ang pagtingin ko sa kanila.
Lomi, Art, and Larry are already topless. Nakasimangot na umupo si Crane sa nilatag na towel ni Kuya Gab. Nameywang na si Kuya Gab at masama itong tinignan. I secretly smiled. I saw how Randell glances our way. Kahit na alam kong hindi ako kitang nakatingin sa kanila ay napaiwas ako ng tingin. Damn it.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Roman pour AdolescentsJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...