"Grabe! Kagagandang bata!" Maarteng sabi ng bakla nang maisuot na namin ang gown. Ngumiti ako at lumingon kay Ria na seryoso lamang ang mukha habang inaayos ng stylist ang kaniyang buhok.
Nakahalukipkip namang nakatingin sa amin si Kuya. I smiled teasingly at him at pasimpleng tinuro si Ria. He just smirked at and shook his head.
Nagpasalamat kami sa mga stylists at si Kuya naman ay pumunta na sa kaniyang kwarto. Para siguro mag-ayos na rin.
Naiwan kaming nakaupo sa kama ko. I checked the time. It's already 4 PM and the sun will set by 5 in the afternoon. Seeing the sun outside, I can tell that the colors of the sky later will be a bomb.
Tahimik naming tinapos ang movie na pinapanood kanina. Napanguso ako nang mapansin ang kakaibang pagkatahimik ni Ria.
"Iniisip mo pa rin ba 'yung sa mga kaibigan mo?" Napatingin siya sa akin.
"They're not my friends, and No. I'm not thinking about that" aniya at humalukipkip.
Tinukod ko ang kamay sa likod at binalingan siya. "Eh anong sinusumpong mo dyan?"
"Nothing..." Aniya at bumuntong-hininga. Hindi na ako ulit nagtanong at ayaw ko namang guluhin pa siya. Hindi niya rin siguro alam ang sasabihin.
May kumatok muli sa pinto at ako ulit ang nagbukas. It was Kuya Jace and he's already in his light coral tuxedo. His hair is brushed up and he looks so fine.
"Tara na sa beach front. Kailangan na tayo do'n" aya ni Kuya.
Bumaba naman ako ng kama at sumunod na sa kaniya. Pinauna niya akong lumabas at hinintay namin si Ria na nanatiling nakaupo sa kama.
Nagkatinginan kami ni Kuya. Tinanguan ko siya kaya naman lumapit siya rito. Pinanood ko naman sila. Hindi ko maiwasang kiligin sa kanila.
Kuya Jace crouched infront of her. Doon umangat ang mata ni Ria sa kaniya. May kung ano silang pinag-usapan sa mahinang boses dahil ko maintindihan. Kaya naman ganoon na lamang ang pagpipigil ko ng tili nang halikan ni Kuya si Ria nang mabilis sa labi at hinawakan na para tumayo.
Pasimple akong nagpanggap na malayo ang tingin. Nagkunwaring walang nakita.
Bumaba na kami. Hawak ang gilid ng gown ay namangha ako sa ayos habang papalapit doon. May malawak na wooden platform sa harap na sa tingin ko'y pagtatayuan nila Ate mamaya. Ang mga upuan ay bakal na puti na may disenyong mga alon at may mga sea shells doon. Sa lalakaran ay may mga matataas na paikot na bakal na kulay puti. Nakasabit doon ang mga kumikinang na tali na may mga seashells din at ibang palamuti. Masarap sa mata ang mga kulay at tugmang-tugma sa theme ang mga 'yon. Pati ang mga nakikita kong nagsisidatingan na bisita ay nasa tema din ang mga suot.
Tinawag na kami ng mga organizer at sinabi sa amin ang aming mga gagawin. Binigay na rin sa amin ang mga bulaklak na hahawakan namin. Ang ibang mga matatandang bisita ay iginigiya na sa mga upuan sa reception. Sa isang open event hall iyon na dito lang din sa resort, malapit sa dagat.
I was busy checking the flowers when my eyes caught someone. Agad naman akong ngumisi at kinawayan siya. Lumapit naman agad ito. I hugged him and he just tapped my back.
"Nagkita na naman tayo! Imbitado pala kayo? Hindi ko alam!" Sabi ko na ikinatawa ni Ivan.
"Ninang si Mama" aniya at nanatili sa akin ang magaang ngiti. Nang tawagin siya ng kaniyang mga kasama ay nagpaalam naman siya.
Pinapila na kami ng organizer lalo na magsisimula na raw. Agad naman akong tumabi kay Kuya Gab na nakatingin na rin sa akin. Kami ang unang lalakad sa mga abay. I smiled at him and he just nodded.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Teen FictionJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...