wait lang d ako makapaniwala na natapos ko to! hahaha! Grabeeeee, akala ko hindi ko na naman matatapos to haahahha syempre hindi ko rin to matatapos kung walang nagmomotivate sa akin na ituloy ko ang story na to! Alam mo kung sino ka dahil ikaw ang una kong supporter at una kong reader! Hindi pala kita reader kasi pinsan kita HAHAHAHAHA charot. So ayon, tapos ko na, grabe! Buti nakisunod yung utak ko sa plot hahahaha!
This is the last chapter of this story. See you sa TUTS! (Tangled under the Stars)
Edit: paniguradong may naguluhan lalo na sa part kay Ria kung bakit bumalik sa lugar nila Randell si Maye. May story si Ria: Never be the Same. Published na 'yung prologue no'n but I can't promise na masusundan agad 'yon since I'm zooooo busyyyy huhuhu bear with me.
Thank you dahil nakarating ka dito. Kung may naguluhan man, just message me to clarify something. 😭 connected kasi talaga tong first story sa lahat. Kahit sa story ni Ria kaya ganyannnnn heehehe
Edit2: hindi masyado nagdelve tong story na to about sa pamilya nila kasi i want it to be the introduction pa lang ng alfanta series hahahaha sa mga susunod na book, dun na mas lalalim yung plots as well as the characters mentioned in the story hehe thank you!
Ps. Ung pagkakabuo ng circle nila maye and lomi, nasa extra chapters hehe yung Hagornatics
-----------------------------------------------------------Hindi ko mapigilan ang tawa hahang pumapalakpak at nakikisabay sa pagkanta ng "Happy Birthday" sa itsura ni Leticia na nakangiwi na sa amin.
It's her 18th birthday. Hindi ako nakapunta dati noong nag-17 siya. Siguro'y hindi kami maayos noon? O hindi pa magkakilala? Hindi ko matandaan. Ayaw niya ng engrande. Hindi ko alam kung bakit niya ayaw.
Si Tita Flor ay ilang beses pa nga siyang kinumbinsi at sinasabi na kung pera ang iniisip niya hindi naman sila gipit. Pinaghandaan daw nila ito pero ayaw talaga ni Leticia.
Nakanguso lang siya habang hawak ang cake na binigay namin nila Lomi, Lance, Ivan, at Heidian. Ang nakapaibabaw kasi na picture sa cake ay picture naming apat noong graduation. Nakaremove si Leticia kaya naman nang matanggap niya kanina iyon ay napasimangot agad siya.
"Happy birthday, Cia Cia!" Sabay-sabay naming bati at hinipan naman niya ang kandila.
"Sagutin mo na ako!" Sigaw ni Lance at nakita ko pa ang pagsulyap niya kay Lomi na ikinatawa ng lahat. Si Leticia naman napa-iling na lamang.
Pumila na kami sa mesa ng mga pagkain. Sa likod kami ng bahay nila Leticia at hindi naman maraming bisita. Kami nga lang yatang magkakaibigan kasama ang magpipinsang Alfanta at ang ilang pinsan lang din ni Leticia. Gusto sana nilang dalhin ang ibang kaibigan kaso nahihiya pa raw sila.
Muntik pa akong matumba nang sumiksik sa harap ko si Art na nakangisi.
"Aba! May pila! Sa likod ka!" Pilit ko siyang tinulak paalis doon. Nakanguso naman siyang umalis.
Bumaling naman ako sa katabi ko sa likod na si Randell. Inabutan niya ako ng plato at kutsara't tinidor. Hinintay ko naman si Ivan na nasa harap ko, na kumukuha ng kanin. Nang matapos siya ay nilingon niya ako.
"Your plate" aniya kaya naman inilahad ko ang plato ko. I muttered 'thanks' nang lagyan niya iyon.
Kukuha na sana ako ng ulam nang magdagdag ng kanin si Randell sa plato ko. "Lalagay-lagay pa, napakakonti naman. Tsk" bulong nito na hindi nakaligtas sa akin. Nagpigil ako ng ngiti.
"Ang dami nito! Hindi ko 'to mauubos" nilipat ko sa plato niya ang kaonting kanin.
Sumunod naman ako kina Ivan sa inupuan nilang mesa. Sa katabing mesa namin ang magpipinsang Alfanta. I even saw how Randell eyed me when I sat beside Ivan.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
JugendliteraturJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...