Kinabukasan ay wala kaming imikan ni Leticia noong magkakatabi ulit kami nakaupo. Kanina ay ipinakita niya lang sa amin ang listahan ng recipe. Pati na rin 'yung prices and expenses na gagamitin namin. Wala naman siyang binago doon pero hindi pa rin siya namamansin.
"Nagpupuyat ka Ayessa?" Natatawang sabi ni Sam "May eyebags ka na" turo niya sa mata ko.
Napa-irap ako nang maalala ang kagabi.
Napuyat ako kagabi dahil sa naging usapan namin ni Randell! Ngayon lang ako napuyat nang ganito at sa hindi naman ganoon kaimportante! Nag-ooverthink lang siguro ako at napahaba rin ang uspaan namin.
"Uh, may natuklasan kasi ako palabas kagabi kaya, ayun" pagdadahilan ko at sinulyapan si Leticia na naka-iwas ng tingin sa amin.
"Baka nga may nakapuyatan ka lang eh, ikaw ha" ani Shane na ikinakunot ng noo ko.
Gano'n ba 'yon?
"Sino naman?" Pagpapatay-malisya ko.
Nagsingisi sila. Napakurap naman ako at iniwas ang tingin. Baka nababasa nila ako!
"Sino kaya 'yung sinakyan mo kahapon?" Ani Sam na humagikgik.
Namula naman ang aking pisngi at iba ang sumagi sa aking isipan.
"Ang weird pakinggan! Iyong sasakyan kasi!" Pagsasaboses ni Shane ng naiisip ko.
Napatikhim ako at nagsalita.
"Just a... friend" bulong ko na hindi nakaligtas sa kanila.
Nag "ayie" sila na naging dahilan kung bakit kami napagalitan. Napailing na lamang ako dahil silang dalawa lang napagalitan. Safe.
Kaunting review lang ang nangyari at pinauwi na din kami agad. Panay pa rin ang sulyap ko kay Leticia na wala pa ring imik. Napag usapan na rin namin to nila Shane na ako daw ako kumausap since kami daw ang mas "close".
"Dapat kayo rin" reklamo ko na ikisimangot nila.
"Ikaw na lang! Kaya mo na 'yan!" Anila at umalis.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nasa labas ng room, hiniintay si Leticia na lumabas. Ang bagal niyang kumilos!
Nang makalabas siya ay sinalubong ko agad siya pero umiwas siya at mabilis na naglakad.
"Leticia!" Tawag ko sa kaniya pero para itong walang narinig. Kung wala naman akong kasalanan dito, hindi ko papahirapan ang sarili kong magsorry sa kaniya!
"Leticia, sandali lang naman!" Habol ko at medyo hiningal na ako. Napatigil pa ako sa pagtawag nang magsumuway sa akin. Sa values center pa kami nadaan!
Agad naman akong nagsorry at yumuko. Paglabas sa gate ng values center ay muntik pa akong mapamura nang may nakabangga sa akin.
"Hala, sorry!" Pamilyar na boses ang gulat na gulat na humarap sa akin. Agad namang nawala ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang makita kung sino ako.
"Maye! Nag-aapura ka?" He stated the obvious. Napabaling ako sa kaniya at tinanguan.
"Pasensya na Lomi, nag-aapura ako" sabi ko at tinalikuran siya. Nasa hallway na si Leticia kaya hinabol ko ito.
"Si Leticia ba?" Aniya na ikinatango ko. Isinantabi ko na ang pagkagulat ko na kilala niya ito.
Sinundan ko naman ito nang tingin nang mabilis niyang hinarang si Leticia. Napatigil naman si Leticia at halata ang pagkagulat sa ginawa ni Lomi. Gumilid nang bahagya sila ni Lomi nang magsidagsaan ang grupo ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
Ficção AdolescenteJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...