"Nadiscuss ko naman na sa inyo ang lesson, 'diba? Kayo na bahalang mamili kung ano ang gusto niyong gawin. You can draw or paint. Basta kayo ang gagawa!"
Everyone agreed with that. We all have our own books kaya nagsimula na kami.
Inilabas ko rin ang mga art materials ko at nilagay sa mesa naming dalawa ni Leticia. I didn't know that her surname is Miravalles. I just knew it now.
"So... you're good in arts right," I said while arranging the materials.
"Hindi naman" mahina niyang sabi. Napalingon ako sa kaniya at napataas ng kilay.
"Tsk. Pahumble ka pa. Oh, ano dito ang gagawin natin?" Binuklat ko ang book namin. Nang hindi niya ako sagutin ay nilingon ko uli siya. Nakatingin siya sa materials. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
"Bago lahat 'to?" She said while touching them.
Tumango ako kahit alam kong hindi niya nakita dahil abala siya sa pagtingin doon. Nang mag angat siya ay tumango ulit ako.
"So... ano ang gagawin na'tin?" Ulit ko. Para bang bigla siyang natauhan at kinuha ang libro.
"Expressionism na lang" aniya at tinignan ako
"Hirap no'n ah? Sabagay ikaw naman ang gagawa... " sabi ko at nag iwas ng tingin. Nang mapagtanto ang sinabi ay tumikhim ako. "I mean ikaw ang magli-lead since ikaw ang mas may alam" nang tumingin ako sa kaniya ay nagskesketch na siya. Napasimangot ako. Hindi man lang nakinig.
Pinanood ko siya. I can say that she's very good and very passionate about it. Kahit na sketch pa lamang ay kita mong maganda ang kalalabasan. Mukhang tataas ang grades ko sa arts ah.
"Okay class, since magta-time na, ipapa-assignment ko na lang sa inyo. Paalala, kayo ang gagawa ha? Kapag nalaman kong nagpadrawing or nagpagawa kayo 75 kayo sa akin" ani Ma'am Janine at nagpaalam na.
I glanced at Leticia who's very busy cleaning our work. Well, let's say her work coz' I didn't really help.
"Are you busy later?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang ayusin 'yon. Maingat niyang inilagay sa mga lalagyan ang mga materyales na ginamit niya.
"Uh, hindi naman" sagot niya.
"Let's finish it in my house" sabi ko at iniligpit ang mga gamit ko.
"Sige, anong oras?"
"Uh, after class?" I said and she nodded.
Okay. That was easy. Akala ko magrereklamo pa siya or mag sasuggest na sa kung saan na lang gumawa tulad sa café.
"Guys, habang wala pa si Ma'am Filipino, may a-announce lang ako" napabaling kaming lahat sa president namin. Si Lina.
"Ano na naman 'yan!" Sigaw ng kaklase naming si Jill.
"Manahimik ka" Lina spatted at him. Everyone "ooh"ed.
"Nagtatanong lang eh" napakamot si Jill pero halata ang pang aasar sa tono. Inirapan lang siya ni Lina.
"So, napagusapan naman last Friday tungkol sa foundation day, 'di ba? Next week na din kasi 'yon at 'diba magpapatatak tayo ng T-Shirt? Para may pagkakakilanlan man lang ang section natin" paliwanag niya.
Everyone is listening intently to her. She's a great president of our class. Since grade 7, siya na ang class president namin at may tiwala na ang lahat sa kaniya.
"Bukas magdala kayo ng 250 dahil bukas din kami mamimili ng t-shirts. And our color is blue, right? Napag usapan naming light blue para makita ang design na itatatak. Medyo mahal kapag colored at magpapatatak pa tayo." Tuloy niya.
BINABASA MO ANG
Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]
TeenfikceJanuary 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo mang lugar at sa pamilya-na pamilya pa nga ba? A tragedy that crumbled her family apart scarred her yo...