Chapter 28

24 5 0
                                    

# ILWTD CHAPTER 28

Agad na nagising ang buong diwa ko nung marinig ko ang sinabi ni Mamà. My eyes even widened, and my lips parted.

"Are you serious, Mà?!" Yung kaninang antok na antok na boses ko ay bigla nalang nawala.

"Are you yelling at me, Morgianna Mirthyl?" Seryoso niyang tanong.

"No, Mà," agad kong sagot. "It's just that, ginulat mo'ko." Marahan kong sabi.

"It's not shocking, my dear. You know how I wanted to visit you, and see what's your status for those times we're not with you.."

"But, Mà, I said I'm okay. You don't have to worry." Dahan-dahan aking tumayo at pumunta sa salamin para tignan ang mukha ko. Maayos naman. Pati ang buong katawan ko, wala naman silang dapat ipag-alala.

"Don't you want to see me and your Papà?"

"Of course, I want to see you both—"

"Then, stop complaining. Go, fix yourself because in twenty minutes, our plane will be landing. And I want to see you there. Bye, Honey!"

Pa-bagsak kong nilapag ang cellphone ko. My goodness! Hindi pa ako ready! I know my, Mom. Hindi sila pupunta ni Papà dito kung bibisitahin lang nila ako. I know, meron pa silang ibang importanteng gagawin. Kung si Papà naman ang nag-suggest na pumunta dito ay hindi na ako magtataka. Pero kung si Mamà? I don't think so.

Nanlaki ang mga mata ko nung maalala ko ang sinabi ni Mamà kanina.

"Go, fix yourself because in twenty minutes, our plane will be landing."

Agad akong tumakbo sa CR para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay kinuha ko agad ang cellphone ko. Nagda-dial ako habang tumatakbo.

"Hello?"

"Bakit ba—"

"Emergency, Arah! I need your help!" Sigaw ko. It is really an emergency. Kinakabahan ako. Hindi sa hindi kami close ni Mamà, pero nabanggit ko na takot ako sa kanya. Pagdating ko sa parking lot ay pinaandar ko agad ang kotse ko. Ki-nonect ko ang cellphone ko para malapag ko 'to.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Kailangan mo 'kong samahan. Dapat in twenty minutes, ay nasa Airport kana, okay?"

"Bakit ba? Anong gagawin ko dun?"

"Susunduin natin sila Mamà,"

Naramdaman kong natigilan siya. Well, ako rin natigilan nun e, siya pa kaya? "Si, Tita Morg?"

"One and only."

"Oh my God! Should I call Zilpah too?" Sa pagmamadali niya ay may narinig akong kalabog kasabay ng daing niya. Napa-ngiwi ako. Mamà really have a strong effect to all of us.

"Yes, please? Ah, shit!" I cussed nung muntik na akong makabangga ng isang itim na SUV. "I'm sorry!" Sigaw ko dito, at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Goodness! Kasama naman siguro si Tito Enze, right?" She ask with hope.

I let out a heavy breath. "Yes,"

"Ah, thank God! I'll call Zilpah to come with us. Bye!" Then she end the call.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa Airport. Sa waiting area kung saan lalabas sina Mamà ako naghintay. Hindi nagtagal ay nakarating narin si Arah at si Zilpah. Pero napa-kunot ang noo ko nung may isa pa silang kasama.

"What are you doing here, Morales?" I ask him.

He just smiled. "To meet your, Mom. Narinig ko kay Zilpah na ang parents mo ang susunduin niyo dito, so sumama na ako." Sabi niya.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now