# ILWTD CHAPTER 35
Halos mabingi ako sa lakas ng putukan ng mga baril. Gusto kong takpan ang mga tenga ko pero hindi ko magawa dahil hawak ng dalawang tauhan ni Bedivere ang magkabilang braso ko.
Palabas na kami sa kwarto kung saan ako dinala ni Caezar kanina at nasa gilid ko siya ngayon kasama ang ama niya. Kanya-kanya silang may hawak na baril at alerto sa paligid.
Matalim ang tingin sa'kin ng ama niya pero galit din ako, and I don't mind showing it to him.
I'm still confused but I guess, alam ko kung sino ang kinakalaban ngayon ng mga tauhan ni Bedivere sa labas.
Kung tama nga sila tungkol sa mga magulang ko, ay posibleng sina Papá na yan. Alam kong nalaman kaagad nila na nawala ako sa paningin nung mga bantay ko at madali lang nila nalaman kung nasaan ako dahil sa simula palang ay alam na nila kung sino ang may pakana nito.
Kilala nila ang ama ni Caezar at ngayon hindi na ako magtataka kung paano. Because Bedivere himself said, that they've met before.
Galit na ngumisi si Bedivere at sobrang diin ng pagkakahawak niya sa baril na parang gustong-gusto na niya yung iputok. "They are fast huh? That demon..." nanggigigil niyang sabi.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na naisip dahil sa malakas na mura ni Caezar. Tinignan ko kung paano siya mataranta.
"Father! You need to get out of here!" he said to his father.
But Bedivere just shook his head. "No. I will kill that demon! Nagtitiis akong hindi siya galawin ZU dahil baka makilala niya ako, but this is enough. Sobra na ang pakikialam niya." Galit niyang saad.
Sumiklab ang galit ko dahil alam kong si Zab ang tinutukoy niya. At paano nangyaring nandito si Zab? For what? To save me? Hindi ba't sila din ay gustong patayin ako? So why would he save me?
I don't know anymore. Kung meron na namang panibago, parang ayaw ko nang malaman. Kung sosobra na naman, parang hindi ko na kakayanin. Ngayon pa nga lang, I feel like I'm going to break down. Kaunti nalang, pero pinipigilan ko, dahil da sitwasiyon ko ngayon.
May naka-hawak parin sa'kin ng mahigpit. Napapangiwi ako dahil dun. Hindi nalang din ako nanlaban. Tinigilan ko na, kasi sumasakit lang lalo ang hawak nila sa'kin.
Patuloy kong naririnig ang putukan ng baril sa labas. Hindi ako makapag-isip ng tama. Kung anong gagawin ko. Kung paano ako makakawala dito.
Tumakbo sila papunta sa isang pasilyong medyo masikip dahil sa napakaraming parang science equipment na nagkalat. Napasunod ako dahil hinatak ako nung tauhan niyang naka-hawak sa'kin. Nang tumakbo pa kami ay nakita ko ang mga taong nagkakagulo, dahil sa naririnig din nila ang putukan ng mga baril.
Natulala ako dahil sa nakita ko. Parang nawalan ako bigla ng lakas nang makita ang sandamakmak na kahon na naglalaman ng drogang nababalitaan ko sa ZU. That white crystalline drug. Ngayon ko lang din napansin na ang mga taong nagkakagulo ay puro nakasuot ng lab gown. I realized, their the one who's making those drugs!
Ngayon ko lang naipagtagpi-tagpi lahat ng nalaman ko noon. Tungkol sa sinasabi niyang Vere. Kung ganun, si Bedivere yun? But I thought, that Vere is a woman? Then I remembered, there's no clarification on that one.
May sinasabi si Bedivere sa kanila nang bigla nalang sumabog ang pader sa may harapan namin, hindi kalayuan. Dahil sa malakas na impact ay tumilapon ako kasama ang naka-hawak sa'kin. Dumapa sila Caezar kaya hindi sila nadala.
Napadaing ako nang tumama ang likod ko sa metal table. "Ah!" hiyaw ko nang hawakan ko ang likod ko na tumama doon. Nang tignan ko ang kamay ko ay may dugo na doon. "Fuck!" I cussed, dahil alam kong may sugat na ang likod ko ngayon.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...