Chapter 39

11 4 0
                                    

#ILWTD CHAPTER 39

Mabilis akong umiwas ng tingin at muling humingi ng tawad, bago tumalikod dahil sa bigat ng dibdib na aking dinadala. Lumabas ako ng kwarto dahil hindi ko kinaya ang hinagpis niya. Napa-kagat ako ng labi habang naglalakad sa hallway ng ospital.

Nilabanan ko ang sariling magbaba ng tingin. Dahil hindi dapat. Parte ito ng trabaho ko, kaya dapat akong masanay sa ganitong posibilidad. Pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng panlulumo, lalo na at pasyente ko ang taong 'yon.

Napatingin ako kay Obina nang makasalabong ko siya. Matipid siyang ngumiti sa'kin na parang nakuha at naintindihan niya agad ang sitwasiyon at ang nangyari.

"Okay lang 'yan. Nangyayari talaga ang ganito. Masanay kana." sabi niya at tinapik ang balikat ko. Binigyan ko nalang siya ng isang malungkot na ngiti bago siya pumasok sa kwarto sa gilid.

Ang pasyente kong mahigit isang linggo nang comatose ay bigla nalang binawian ng buhay. Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang pag-asang nakita ko noon sa kaniyang ina na nawala rin nang malaman ang nangyari sa anak.

Hindi naman ito ang unang beses na hindi nakayanan ng aking pasyente ang kaniyang sitwasiyon. Indeed, he's my third patient who didn't survive. But still, it's still hurt. Masakit talaga para sa isang doktor ang mawalan ng pasyente. Okay sana kung nawala dahil naka-recover. Pero hindi e. Nawala, as in, gone in the world forever.

But that's my work's nature. Pero kahit ilang beses na mangyari 'to sa'kin, hindi parin ako masasanay.

I heaved a sigh before continuing my work.

Mahigit alas-diyes ng umaga dumating si Zilpah at sinabing may business tour daw siyang pupuntahan. Isang buwan daw ang itatagal. Nagbalak magpahuli nang malaman niya ang nangyari sa isa sa mga pasyente ko na minsan ko na ring kinuwento sa kaniya.

Pero siyempre hindi ko 'yon hinayaan. Pinilit ko na siyang umalis at sinabing babalik na ako sa trabaho.

"Call me, okay? I'll wait. And always take care, M." sabi niya matapos halikan ang gilid ng ulo ko.

"Promise. Mag-ingat ka rin." may tipid na ngiting sabi ko.

Bumuntong hininga siya at parang nagdadalawang-isip pang umalis, dahilan para matawa ako. "Are you really sure? Pwede naman akong sumunod sa kanila bukas."

"Ano ka ba! Okay nga lang ako, at saka buong araw akong naka-duty ngayon." natatawang sabi ko. Sa huli ay napilit ko na rin siyang umalis. "Send my love to my parents there, Zil."

I told him. He smile and nodded. "Alright."

Mabuti nalang din at sa Greece ang business tour nila, dahil nandun ang mga magulang ko.

Inabala ko na ang sarili ko sa pagche-check sa mga pasyente ko.

Sa loob ng tatlong buwan na pagta-trabaho ko rito ay masasabi kong napaganda ng ospital na 'to. Malaki at malawak.

Private, pero pwede naman kahit na sino basta may pambayad. Pero madalas talaga pumupunta rin dito ang mga wala o kapos. I can't help but to feel bad, kasi minsan ang nalalapitan nila ay hindi sila tinatanggap. Hindi naman kasi lahat ng doktor dito ay kaya silang tulungan. Kahit ako nga, gusto ko pero meron din akong limitasiyon sa loob ng ospital na 'to. Kung wala, e bakit hindi 'di ba?

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para punasan ang pawis ko sa noo. Napagpasiya akong pumunta sa canteen para bumili ng tubig dahil wala akong dala, at saka wala akong sariling office. Bago palang kasi ako e.

Dahil magkatabi lang ang canteen at entrance. Madadaanan ko ito bago ako makarating sa canteen. Kaya naman nang napatingin ako sa pintuang salamin ay bahagya akong natigilan.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now