Prologue

120 14 0
                                    

#ILWTD PROLOGUE

Bakit ba kasi mahal na mahal ko siya?

Hindi niya naman ako kilala.

Ni hindi niya nga alam na nag e-exist ako.

Palagi nalang ba akong titingin sa malayo?

Palagi nalang ba akong magpapanggap na okay lang ako?

Should I let him go?

Even if, he wasn't mine to begin with.

* * *

"Oh god, Zab! Don't close your eyes! Please, please don't!" naiiyak ako. Bakit siya may saksak?! Bakit ang dami niyang pasa?! Pati sa mukha, bakit?!

"G-go... a-away..." nanghihinang sabi niya. God... ako yung nasasaktan sa nangyayari. Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-aalala ako sa kanya. Paano kung may mangyaring hindi maganda? Anong gagawin ko?

God, Zab... mamahalin mo pa ako!

"'Wag ka nang magsalita! Lalong lalala ang lagay mo!" sigaw ko. Naiinis ako! Nahihirapan na nga siya. Ako nalang ang taong tutulong sa kanya ngayon.

"J-Just... leave m-me. Y-Your putting y-yourself in d-danger..." bigla siyang bumagsak. Agad ko siyang inalalayan.

"No! I won't leave you! Hindi pwede! Dadalhin kita sa hospital ngayon din!" sabi ko. Ano 'bang akala niya sa'kin? Sa tingin niya kaya ko siyang iwan dito na ganyan yung lagay niya?! Baliw ba siya?!

"N-no... Don't you d-dare bring me to the h-hospital..." napanganga ako sa sinabi niya. Bakit hindi?! Bakit ayaw niya?! "I-if you w-won't leave m-me ringt n-now, your l-life will b-be in d-danger..." Ano 'bang pinagsasabi niya?! Malamang tinatakot niya lang ako para umalis! Sa tingin niya kaya ko siyang iwan?!

"Shut up! I'll bring to the hospital!" hindi ko mapigilang hindi magalit. Bakit ba ayaw niya akong tulungan siya?! Sa tingin niya matatakot niya ako sa pagbabanta niya? Hindi niya ba alam na mas natatakot ako sa lagay niya?!

"You d-don't know m-me..." Huh! Yan ang akala mo! Kilala kita 'no! For your information, ikaw yung nagnakaw ng puso ko. Ako nga 'tong hindi mo kilala e! Pero ito ako, tinutulungan ka! E, mahal kita e! Kahit hindi mo alam.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Nagsimula nalang akong alalayan siya patayo. Pina-akbay ko siya sa'kin at hinawakan ko siya sa bewang. Para na akong naka-yakap sa kanya ngayon. Pero bakit sa ganitong sitwasiyon? Kailangan na siyang magamot dahil baka maubusan siya ng dugo. Pero hindi siya naglakad, kaya napatingin ako sa kanya.

"Whoever you are, you need to leave me." biglang seryoso niyang sabi. Alam 'kong pinipigilan niyang mautal. Kasi kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya.

"But, how about you?" mahina 'kong sabi. Bakit niya ba ako pinagtatabuyan?

"Why do you care for me? You don't even know me. I don't even know you." seryoso parin siya habang titig na titig sa'kin. Yung tingin niya, nakakapanghina ng tuhod. Buti nalang hawak ko siya, kaya pinipigilan ko para hindi kami matumba.

Kasi nga mahal kita! Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya. Pero naisip 'kong hindi pwede.

"Zab... kailangan kang magamot..." rinig ko sa boses ko na nakikiusap ako. Pwede siyang mamatay kapag naubusan siya ng dugo.

"Tsk! What w—Shit! I need to go!" sabi niya na nakatingin sa likod. Napatingin din ako, may nakita akong mga kotse na ang bilis ng takbo. Medyo malayo pa sa'min.

"Bakit?" hindi niya ako sinagot. Kumalas siya sa'kin at nagsimulang mag-lakad. Hindi pa siya nakakalayo ay natumba siya.

"Oh, fuck!" daing niya sa sakit at napahawak sa sugat niya. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

"Bakit ka kasi naglakad?" tanong ko at tinayo siya. Ang tigas pala ng ulo ng lalaking 'to. "Wait. Hihingi lang ako ng tulong." akma na akong maglalakad para humingi ng tulong nang hawakan niya yung kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na kanina pa talaga mabilis dahil malapit ako sa kanya at nahahawakan ko siya.

"Don't." pigil niya.

"But—"

"I will let you help me but don't bring me to the hospital. And don't call anyone." sabi niya. Nakatulala lang ako sa kanya. Titig na titig. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Bakit lalo ko siyang minama— "Fuck we need to go! Do you have a car?!" nagising ako bigla sa kahibangan ko nang sumigaw siya. Nagpa-panic siya.

"Teka! Ano 'bang meron? Bakit natataranta ka?" tanong ko. Para kasi siyang tanga na ewan.

"Listen. We need to go away in this place. It's okay if I am just alone but you're here! Damn it! I'm really sure that starting tonight, you'll be in trouble." hindi ko siya maintindihan. Ano 'bang pinagsasabi niya? Bahala na nga!

"My car is over there. Let's go" sabi ko at tinuro ang kotse ko. Dali-dali kaming nagpunta sa kotse ko habang akay-akay ko siya. Doon ako umupo sa driver seat at siya naman ay sa tabi ko. Pinaandar ko na ang kotse ko at nagsimula na akong mag drive. Kinakabahan ako dahil baka maubusan siya ng dugo. Medyo binilisan ko ang pagpapatakbo. Nag-aalala talaga ako.

Napatigin ako sa side mirror ko nang may mapansin akong sumusunod sa'min. Yun yung mga kotse kanina. Bakit sila sumusunod? Alam 'kong sinusundan nila kami dahil kahit saan ako magpunta at iliko ang kotse ay doon din sila. Namimilipit si Zab sa sakit habang hawak-hawak niya ang parte na nasaksak. Ano ba kasing nangyari sa kanya?

"Fuck! Faster! They are chasing us!" sigaw niya. Totoo nga!

"Who are they?!" I ask. Why they are chasing us?! Mas binilisan ko ang pagmamaneho. Ang dami nila. Nagulat ako dahil biglang pinutukan ng baril ang kotse ko. Nanlaki ang mata ko at biglang nanlamig. Pero patuloy lang akong nagmamaneho. Kailangan namin makalayo agad. Niliko ko sa kanan ang kotse ko. May mga sasakyan na dito kaya may pag-asa kaming maligaw sila.

Mas lalo akong nagulat nung dinungaw ni Zab ang kamay niya sa bintana ng kotse at pinaputukan ang mga kotseng nasa likod namin. Bakit ngayon ko lang napansin na may baril siya? At bakit siya may baril?

"Just drive faster!" sabi niya na hindi nakatingin sa'kin dahil patuloy siyang nag papaputok ng baril habang ako ay hindi maiwasang sumigaw dahil binabaril din kami. At ang sakit sa tenga ang pagputok nun. Paano kung matamaan kami? Ang dami pa naman nila! Muntik na kaming mabangga ng may biglang sumulpot na sasakyan sa harap namin at pinutukan kami. Yumuko ako syempre. At pagewang-gewang na ang takbo ko.

Napasigaw ko no'ng may bumaril na naman sa harap. Sino ba sila? Bakit nila kami hinahabol? Bakit nila kami binabaril?

"Bring me to your place that they wouldn't notice!" sigaw niya. Bigla naman akong nataranta. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yun! At tsaka, kailangan siyang magamot. Patuloy na lumalabas ang dugo sa katawan niya.

"Pero kailang kang magamot—" napalitan ng sigaw ang sasabihin ko nung may bumangga sa'min.

"Just bring me to your place! Damn it!" wala na akong nagawa dahil baka mamatay kami kapag nabaril nila kami. Gumawa ako ng paraan para maligaw namin sila. Paano ba 'to?

And he was right. Since that night, I'm always—My life is always in trouble.

#PROLOGUE
@rienquers
—Rie

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now