Chapter 37

15 3 2
                                    

#ILWTD CHAPTER 37

Gulat na gulat ako nang madatnan ko sila sa ganung sitwasiyon. Tinitignan ko pa lang sila pagkatapos ng nangyari ay bumibigat na ang paghinga ko.

Si Zilpah... Hindi ko naisip na magagawa niya 'to. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at nagawa niyang magpakawala ng ganun katinding galit na naging dahilan para makasuntok siya, ay nakakagulat. Kahit kailan hindi ko siya nakita na ganito. Pero walang-wala yun sa galit na nakita ko sa kaniya nung araw ng Death Anniversary ng mga magulang niya.

At si Zab... Hindi ko siya nakita ng isang araw tapos ganito ang nadatnan ko. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman o maging kung anong dapat kong ipalabas na reaksiyon. Inaamin kong nasaktan ako dahil pinaramdam niya na naman na parang wala lang ako, pero sa ngayon, nag-aalala at naguguluhan ako sa kung anong nangyayari.

Alam kong galit si Zilpah kay Zab, nararamdaman ko yun, at hindi lang simpleng galit, pero bakit?

"Anong... nangyayari?" panimula ko, matapos ang mahabang katahimikan.

Marahas na winaksi ni Zilpah ang braso ni Pzycho na nakadikit sa kaniya at sinamaan ng tingin si Zab. "Bakit nandito ang taong 'yan, M?!" sigaw niya na kinagulat ko. Nang makita ang reaksiyong yun, ay huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Bakit siya nandito, M?" muling tanong niya sa kalmadong tono pero rinig ang panggigigil.

Napatingin ako kay Zab. Walang emosiyon ang mukha niya at kita naman ang dugo sa gilid ng labi niya. Gusto ko siyang lapitan pero ayaw kumilos ng mga paa ko papunta sa kaniya.

Hindi ko masagot si Zilpah, kasi hindi ko rin alam. Or, alam ko pero guilty ako, at hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman.

"M, nagsimula ang lahat ng 'to nang dahil sa kaniya, naiintindihan mo? Hindi kana dapat nakikipagkita sa kaniya, dahil siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari sayo 'to!" napalunok ako sa sigaw niya.

Akmang magsasalita si Pzycho para ipagtanggol si Zab, pero agad siyang pinigilan ni Zilpah at sinamaan ng tingin.

"Zilpah..." kumirot ang puso ko. "Alam mo ang nararamdaman ko sa kaniya..." mahina kong sabi. Ni hindi na ako nahiya na marinig yun ni Zab at Pzycho. Gusto ko nalang talagang sabihin ang gusto kong ipaalam na pahiwatig sa kaniya.

Natigilan siya. Si Zab naman ay umigting ang panga. Nabalot kami ng katahimikan, hanggang sa binasag 'yon ng malamig niyang boses. "Your feelings is wrong, M." napa-angat ako ng tingin galing sa pagkakayuko ng sabihin niya 'yon. "I've been trying to tell you that you should stop that feelings of yours, M. But you're not listening to me! Sa simula palang, sinabi ko nang huwag siya! That feelings of yours is so wrong, because he's a demon Morgianna Mirthyl. The man you love is a demon."

Natulala ako. Hindi malaman kung anong sasabihin at dapat maramdaman. Pero naninikip ang dibdib ko, sa sakit. Alam ko kung anong dahilan ng sakit na 'yon pero ayokong aminin sa sarili ko.

Nakatingin ako sa seryoso na may galit na mukha ni Zilpah. Kaibigan ko siya... Hindi siya magsisinungaling sa'kin. Alam kong nag-aalala siya dahil sa mga nangyari pero hindi niya 'to sasabihin sa'kin kung hindi 'yon totoo.

Binaling ko naman ang tingin sa walang emosiyong mukha ni Zab at umiigting ang panga. Alam kong hindi siya mabuting tao. Alam na alam ko yun. Nakaramdaman narin ako sa kaniya ng takot... nung araw at gabing yun, naramdaman ko sa unang pagkakataon ang takot sa kaniya.

At marami akong narinig tungkol sa pagiging walang puso, pero hindi ko 'yon pinakinggan, kahit pa nakita ko na siya na pinatunayan 'yon. Kasi siya si Zab, mahal ko siya.

Pero sapat nga ba 'yon?

"Paano... mo nasasabi yan?" marahan kong tanong kay Zilpah. Natigilan sila sa tanong ko, tila parehong inaasahan at hindi na itatanong ko 'yon.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now