Chapter 6

42 7 1
                                    

#ILWTD CHAPTER 6

"Dito karin ba nag-aaral?"

"Hindi. Pero kaya 'kong pumasok at lumabas dito kahit kailan ko gusto."

"Bakit? Paano?"

Naka-ngiti siyang umiling sa'kin. Nasa hallway kami ng ZU nag-lalakad. Break time ngayon kaya na-kakapaglakad kami. Nag-pasulot pa ako kay Arah na may ibang pupuntahan ako dahil ayokong makita nila si Pzycho. Hindi ko alam, pero parang paki-ramdam ko hindi ko dapat sabihin sa kanila ang tungkol kay Pzycho. E, yung nangyayari nga sa'kin ayokong malaman niya e. Si Pycho pa kaya na parang konektado sa mga pangyayaring yun? Kaya mas mabuti nang hindi niya malaman o makilala si Pzycho.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo."

I frowned. "Bakit naman?" siguro ang dami ko ng tanong, pero masisisi niya ba ako? I'm curious.

"Basta hindi pwede."

Napa-isip ako bigla. Ano nga ba ang kinalaman niya sa mga banta sa buhay ko? Bakit niya ako nililigtas? Sinong nag-utos sa kanya? Kaninong bahay niya ako dinala? At ang pinagka-malaking tanong, bakit may gustong pumatay sakin? Wala naman akong ginagawang masama, sa pagkaka-alala ko. Kaya bakit?

Pero kung si Pzycho, binabantayan ako para maligtas ako sa mga gustong pumatay sa'kin, at may nag-utos sa kanya para gawin yun... Ibig-sabihin, may alam yung taong nag-utos kay Pzycho sa mga nangyayari. At possible ring, siya ang mag-ari nung bahay.

Tama!

"Pzycho, may tanong ako." We sat on the bench we saw.

"Ano yun?"

I look at him seriously. "Kaninong bahay mo 'ko dinala?"

Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Parang pinag-iisipan niya kung sasagutin niya ba yung tanong ko o hindi. But he shook his head. "Hindi mo pwedeng malaman."

Bigla nalang akong nainis. "Bakit hindi pwede? Ano bang mangyayari kapag nalaman ko?!" Nagulat naman siya sa biglang pag-taas ng boses ko kaya huminga ako ng malalim. "Sorry." Sabi ko nalang. Pero naiinis talaga ako. Gusto 'kong malaman kung sino. Kasi sigurado akong may alam siya. Kasi wala talaga akong maintindihan.

I sigh.

* * *

"M!"

"Holy shit!" napa-hawak ako sa dibdib ko sa gulat. Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you trying to kill me? Bakit kaba nang-gugulat?" tanong ko. Grabe, siya ata makakapatay sa'kin e.

"Kanina pa kasi tinatawag diyan, hindi ka naman nakikinig. Ano ba yang iniisip mo at mukhang ang lalim?"

Napa-buntong hininga ako. "Wala." I lied.

"Wala daw."

"Wala nga! Ano bang kailangan mo?" Kunwari inis 'kong sabi. Nandito kami sa room hinihintay ang next Prof namin. Hanggang ngayon, naguguluhan parin ako. Pero wala naman akong magagawa kundi ang manahimik muna. Pero aalamin ko, hindi lang ngayon.

"I was just suggesting that, what if, mag-over night ako sa condo mo—" Nag-simula akong mag-panic sa loob ko. "Kasi diba, parang magtagal-tagal narin nung huling pumunta ako dun at natulog?" Naka-ngiti niyang sabi. Patay. Paano na?

"A-ah... K-kasi ano... Ahm..."

"Why? Is there any problem?" nagtataka niyang tanong. Hindi ako magapagsalita.

Paano ko sasabihin sa kanya na hindi na ako dun natutulog? I asked Pzycho earlier if doon parin ba ako matutulog at tutuloy. And he said yes. Mas ligtas daw ako doon. Wala naman akong choice kasi, mahal ko pa naman yung buhay ko. Ayoko namang mamatay ng maaga. Kaya paano?

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now