Chapter 27

23 5 3
                                    

# ILWTD CHAPTER 27

Biglang nag-ring ang phone niya kaya lumayo siya sa'kin ng bahagya at binitawan ang bewang ko.

"Why?" Tanong niya sa kausap ko. "Yes... You can ask Razel about that... Fine." Binaba niya ang tawag at agad na tumingin sa'kin.

"Sino yung tumawag?" Tanong ko pero hindi naman ako nage-expect na sasagutin niya yung tanong ko pero malay mo, may bago.

"Zed," nagulat ako pero hindi ko gaanong pinahalata. Kasi nga 'di ba, hindi ako nage-expect, kasi nagbabakasakali lang ako na baka may bago. Pero sinagot niya. Well, I guess there's a change.

"Is there something wrong?"

"Nothing. I just need to go."

"Okay,"

"See you later."

I smiled and nod at him. "Take care,"

Tumalikod na siya at nagsimula nang umalis. Pagkatapos niya kasi akong biglaan nalang hinalikan kanina ay sinamahan niya ako papunta sa room ko. Naglakad na ako kaagad pabalik kina Zilpah.

"Bakit ang tagal mo?" Reklamo agad ni Morales pagdating ko dun. "Excited pa naman akong tignan yung resulta pero ang tagal-tagal mo!"

"Edi sana, nauna ka nang tignan yung sayo, nakakahiya naman!" Ismid ko. Umirap siya. Ang attitude ng lalaking 'to.

"Tara na nga!" Sabi ni Arah at sinamaan kaming dalawa ng tingin.

"Ano na naman?!" Ang attitude talaga! Nakakagigil!

"Can you shut your fucking mouth?" Natahimik siya bigla nung nagsalita si Zilpah. Natawa ako. Hinawakan ko ang braso niya at hinila na siya sa papunta sa bulletin board.

#05 CRISOSTOMO, ZILPAH ASHER

Napa-hawak ako sa gulat nung makita ko yung pangalan niya na pang-lima. "Pang-lima ka!" Tuwang-tuwang sigaw ko na nagpatawa sa kanya. Sa dami ng estudyante dito sa ZU na may course na Business-Ad ay siya ang pang-lima. Taon-taon hindi siya bumaba dun sa pang-lima. As in, hindi siya lumagpas kaya bilib na bilib ako sa kanya e. "I'm so proud of you, Zilpah." Naka-ngiting sabi ko.

He smiled back. "Thank you, M."

"Ang saya-saya ko para sayo, Zilpah!" Sabi din sa kanya ni Arah at nag-group hug kami.

"Thank you, Girls."

Sa Med naman ang tinignan namin.

#1290 GOMEZ, ARAH SHEIN

"Naka-pasa ako!" Sigaw ni Arah. Sa tuwa niya ay napa-yakap pa siya sa'kin. Ang laki naman ng ngiti ko.

"I'm so proud of you." Naka-ngiting sabi ko. She smiled back.

#1200 CREUS, MORGIANNA MIRTHYL

Naka-pasa din ako.

"Ang galing mo, M! Proud din kami sayo!"

Kung naka-pasa ako, paano pa kaya si Morales? Siyempre naka-pasa din siya. Mas lamang pa nga e.

#800 MORALES, KEVIN

Ang talino talaga ng loko. Naka-ngiti ako sa kanya. Naka-tingin namb siya sa'min ng naka-ngiti at parang may hinihintay. Unti-unting nagiging iba, dahilan para matawa ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Congrats. Ang galing mo."

Ang lapad naman ng ngiti niya. Yung kaninang masama ang itsura ay agad nawala at niyakap niya ako pabalik. "Akala ko, hindi mo 'ko babatiin e." Ngumuso siya.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now