#ILWTD CHAPTER 29
I swallowed, hard. I did not thought this coming. Hindi ko inakalang makikita ko ang mga taong yun dito, kasama ang mga magulang ko. Napapansin kong, lagi nalang akong pumapasok isang mala-palasiyong mansion. Kanino naman kaya 'to?
"M," napakurap-kurap ako at napa-tingin kay Zilpah nung tinawag niya ako. "Let's go?" wala sa sariling tumango naman ako.
Naglakad kaming apat palapit kina Mama na naghihintay sa'min. May kanya-kanya silang hawak na wine glass, kaya naman kita ko ang pag-inom ni Arren nun ng deretso habang ang mga mata ay naka-masid sa'kin.
"Ang ganda dito." Namamanghang sabi ni Arah dahilan para lingunin ko siya. Sa patingin-tingin niya palang sa paligid, nakikita ko nang nage-enjoy siya, kaya napa-ngiti ako.
I'm glad.
Kay Morales naman ako tumingin. Nasa gilid lang naman naming sila, sa kanan, kaya kahit naglalakad ay napagmamasdan ko sila. Kahit hindi naka-ngiti ay nakikita kong natutuwa rin si Morales sa mga nakikita niya.
"Honey," tawag ni Mama. Agad naman akong ngumiti at humalik sa pisngi nila pareho ni Papa. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na naka-masid ang pamilyang Langford sa'min. Bumati rin sa kanila sila Zilpah bago namin hinarap ang mga Langford at binati rin.
"I think we've met before." Sabi niya na nakatingin sa'kin.
Wala sa sariling napa-ngiti ako ng tipid. "Yes, Mr. Langford." Sagot ko. Nakita ko naman sa kaniya ang bahagyang pagka-gulat.
"Oh. What's your name again?"
Hinawakan ako ni Mama sa braso kaya napa-tingin ako sa kanya, pero kay Mr. Langford lang siya naka-tingin. "She's my daughter. Morgianna Creus." Natigilan ang lalaki, lalo na si Aaren.
Pekeng tawa ang pinakawalan ni Aaren habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Mama. "You're kidding right? She's your daughter? How can that happen?" naka-ngising tanong niya ng may hindi makapaniwalang tono.
"She's my daughter. Do you have a problem with that?" seryosong sabi tanong ni Mama dahilan para mawala ang ngisi niya.
Tumikhim si Mr. Langford at maka-hulugang tinignan ang anak niya. Aaren pursed her lips together and then smiled. "Of course, no. I'm sorry." parang labag pa sa loob niya nung sinabi niya yun.
Tinitigan pa siya ni Mama dahilan para hindi mapakali ang mga mata niya. Kung saan-saan dumadapo. Tina-tap niya tin ang mga daliri niya sa bandang hita niya. Nang binaling na ni Mama ang tingin niya kay Mr. Langford ay dun lang siya naka-hinga ng maayos. Her jaw clench because of that, and I don't know why.
Napa-tingin siya sa tabi ko. Bahagya siyang natigilan nung napako ang tingin niya kay Zilpah. Kumunot ang noo niya na para bang may tanong sa utak niya. Tinignan niya ako, kaya nilihis ko ang paningin ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Zilpah. Nang hindi parin siya tumigil ay lumingon na ako sa sinalubong ang tingin niya.
Natigilan siya at agad na umiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan kung ano yang kinikilos niya. Pero para bang kilala niya sa Zilpah.
Nilingon ko ang katabi ko. At yun siya, hindi maka-tingin sa'kin. Why is that?
"So, you said, you've met her?" tanong ni Papa kay Mr. Langford.
Ngumiti ang lalaki. "Yeah. I remember, she's with the great Hudson!" may sarkastiko nung binanggit niya ang 'great'.
Agad na lumingon sa'kin ang mga magulang ko. Kumunot ang mga noo nila. "Hudson?" tanong ni Mama. Akala ko, ako ang tinanong niya pero nang ilipat niya ang tingin kay Mr. Langford, ay napalunok ako. Bigla akong kinabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Did you just said, Hudson?" may diin niyang tanong.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...