#ILWTD CHAPTER 2
"M! Bangon na!" Nagising ang diwa ko sa sigaw na narinig ko. Hindi ko nalang pinansin at nagtalukbong ng kumot. "Hoy!! M! Ano ba?! Gumisingin kana!" Sino ba 'to? Ang ingay-ingay!
Ahh... Naalala ko na. Pumunta pala dito si Arah kagabi. Tinawagan siguro ni Zilpah para patahimikin ako. Sa sobrang tagal 'kong tumigil, dito na siya natulog. Nauna pa nga siya sa'kin. Ibang klase!
"Shut up, Shein! Mamaya na. Tatapusin ko muna yung panaginip ko." sabi ko habang nakatalukbong parin sa kumot. Ang ganda ng panaginip ko e! Sayang naman kung hindi matapos. Istorbo kasi e!
"Don't you dare called me by my second name, M!" Lihim akong natawa sa sinabi niya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Shein, kasi magkatunog daw ng pangalan ng Ate niya na Shane. Hindi kasi sila magkasundo. Palagi siyang kinukumpara sa Ate niya. Kawawa naman yung best friend ko. Pero bahala siya dyan! Inistorbo niya ako e!
"10 minutes Shein. Tatapusin ko lang talaga yung panaginip ko."
"Hay!! Naku! Si Zab na naman yan panigurado! Sige ituloy mo! Para ma late ka!"
"Arah, maaga pa. Kaya pag bigyan mo na ako"
"At sinong nagsabing maaga pa?"
"Bakit anong oras na ba?" Sigurado naman ako na maaga pa yan e!
"30 minutes palang naman para hindi tayo ma late. I mean, ikaw lang. Kasi naka handa na ako." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya. Nang makita ko ang kabuohan niya ay mabilis pa sa alas kwatro nung tumakbo ako papunta sa CR.
Shit! Anong oras naba akong natulog kagabi? Hindi ako pwedeng ma late. Second day palang ng pasok, magkakaroon na ako ng record na na late? No! Hindi pwede yun!
Napangiwi ako nung makita ko yung mukha ko sa salamin. Mukha akong Zombie! Hayy!! Katangahan mo talaga self!! Yan sige iyak pa! Bwisit 'to!
Pagkatapos 'kong maligo at ginawa ang kailangan 'kong gawin ay napag desisyunan 'kong mag lagay ng light make up. Para naman hindi masiyadong halata yung pamamaga ng mata ko.
"Morgianna Mirthyl!! Why are you putting a make up on your face?!" Halos mapatalon ako sa gulat nung sumigaw yung bwisit na sumira ng panaginip ko.
"Arah Shein, can't you see? I look like a Zombie, for God's sake!" I said. God, aga-aga sumisigaw ako! Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya yung pass code ng condo ko.
"So, it's my fault? Panindigan mo yan! Iyak-iyak ka pa kagabi, tapos mag rereklamo ka sa itsura mo?!"
"Okay, fine. Let's go!" Sabi ko at nauna nang lumabas ng condo ko. Siya ng bahalang mag lock niyan.
"Yung kotse mo yung gagamitin natin. Sayang naman kung hindi mo gagamitin yan! Palibhasa, hatid sundo ka ni Zilpah!" Napa-irap nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Well, hindi ko itatanggi. Hatid sundo talaga ako ni Zilpah. Ewan ko dun sa lalaking yun! Masiyadong praning!
Nakarating agad kami sa University dahil halos paliparin ko na yung kotse ko sa pag mamadali. Dali-dali kaming tumakbo dahil baka ma late na talaga kami. Napahinto ako nang makita ko si Zab na kausap ni Razel sa tapat ng building ng BA. Nakatalikod si Zab sa'kin kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"Hoy M! What are you doing?! Come on! Ma le-late na tayo!"
"Wait! I need to see his face. I need inspiration for this morning." I said and began to walk to see his face.
Isn't it ironic? Even if he hurt me last night, he still my inspiration. I still want him.
"He's not Zab, M!" Napatingin ako kay Arah dahil sa sinabi niya.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...