Last Chapter (part 1)

20 5 0
                                    

#ILWTD LAST CHAPTER

Nagising ako sa hindi malamang dahilan. Napakamot ako ng mukha bago kinusot ang mata ko. Tinignan ko ang oras, at hindi nagtaka nang makitang tanghali na.

Akma akong tatayo nang maramdamang may naka-dagan na kung ano sa tiyan ko. Natigilan ako at unti-unting tinignan 'yon. Ma-muscle na braso ang nakapulupot sa bewang ko, unti-unting umangat ang tingin ko sa mukha ng may-ari, at napa-awang ang labi nang makita ang payapang natutulog na si Zab.

Dahil sa pagod ay hindi ko napansin na katabi ko siya. Pareho kaming nakabalot ng kumot, hanggang sa bewang nga lang ang sa kaniya at kitang-kita ang hubad niyang pang-itaas na katawan, hindi katulad sa'kin na hanggang ilalim ng kilikili.

Inangat ko ang kumot at nakitang wala akong kahit isang saplot. Napabuntong-hininga ako, at tumitig sa kisame.

Totoo nga ang nangyari kagabi. Natakot ako na baka paggising ko panaginip lang 'yon. Pero paano, kung hanggang ngayon ramdam ko parin siya? Ramdam ko parin ang mga halik niya sa katawan ko. Ramdam ko parin ang pakiramdam na nasa loob ko siya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kumot para bumangon pero humigpit ang yakap niya at mas sumiksik pa sa'kin. He made a complaining sound, made me stop from moving. Tinignan ko siya at napakagat ng pang-ibabang labi. I raised my hand and trace his face.

I made a mistake... but I didn't regret it. And I will never be.

"Zab... Let me stand up. Tanghali na," mahina kong sabi.

Kumunot ang noo niya pero hindi nagbukas ng mata. Sumiksik siya sa'kin. Dinantay ang isang paa sa paa ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko. "Later please... Let's continue to sleep, I'm still tired." paos at may lambing ang boses niyang sabi.

Hindi ko mapigilang mapangiti, lalo na nang bigyan niya ng mumunting halik ang aking leeg. "Okay..." may munting ngiti kong sabi. Pumikit ako ulit at niyakap siya pabalik. I giggled when he firmly kissed my cheek before hugging me tighter.

Last night was the best night for me. Not just because of what happened, but also because I heard him say the words again. But that moment, we're happy.

* * *

"It's so very unsual of you," I looked up from the table to see her face. "Bakit iba yata ang in-order mo ngayon?" nanunuring tanong niya sa'kin.

My brows furrowed. "What are you saying? Porket hindi ako omo-order nito noon, hindi na pwedeng subukan ngayon?"

Natulala siya sa'kin saglit, saka mahinang natawa. "Chill ka lang, nagtatanong lang naman ako." natatawang sabi niya.

Napanguso ako at tinignan ulit ang in-order kong kape. It was a black coffee. Not my type. But I want to try it, now. Hindi rin ako nagtataka kung bakit nagtataka si Obina. Mahilig ako sa matamis, and when it comes to coffee, black is not in my option. Tapos biglang ngayon, 'yon ang in-order ko.

Pinagmasdan ko si Obina na tahimik na tinitignan ang kape niya. Napansin ko nitong mga nakaraang araw ang pananahimik niya and I was so curious about the reason.

"So... How are you?" tanong ko.

Tinignan niya ako. "Makapagtanong ka naman parang hindi tayo nagkikita sa ospital." natatawang sabi niya.

"Pero hindi tayo nag-uusap, Obina." seryosong sabi ko.

Unti-unting nawala ang tawa niya at ngumiti nalang. "I'm fine, M. Ano ka ba, ako pa?"

But I'm not convinced. Maybe there is something to do with that guy. "Kamusta kayo ni Morales?" marahan kong tanong, 'yong may pag-iingat. Nang tignan ko ang expresiyon niya ay wala namang nagbago, nakangiti parin siya. Hindi ko tuloy matukoy kong anong klaseng ngiti ba 'yon.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now