#ILWTD CHAPTER 30
Nagising ako dahil sa humahangos na boses papalapit sa'kin. "Oh my God, M!" napadilat ako at nanghihinang umupo sa kama ko. Agad na lumapit sa'kin si Arah nung makita ang paghihirap sa kilos ko. Inalalayan niya ako. "What happened to you?" kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Pahingi akong tubig." mahinang sabi ko. Agad naman niyang inutusan si Zilpah na nandun din pala. Si Morales na nag-aalala rin habang naka-tingin sa'kin. At ang mga magulang ko na mataman lang kung tunghayan ako.
Nang abutan ako ni Zilpah ng isang basong tubig ay agad ko yung inubos. "Bakit bigla ka nalang nawala?" hindi ko pa man nabababa ang baso ay nagtanong ulit si Arah.
Kumunot ang noo ko at tinignan siya, sila. Nang makita ko ang mga suot sila ay nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Saka ko lang naalala ang nangyari. "Anong oras na?" mahinahon kong tanong. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.
"Eleven PM na. Anong nangyari? Paglabas ko ng CR, ay wala kana. Akala ko nauna ka nang bumalik pero wala ka dun. Nag-aalala kami, pero hindi kami agad naka-alis dahil sa party." mahabang sabi niya nang hindi paron nawawala ang pag-aalala sa mukha.
Naintindihan ko naman na hindi sila naka-alis. Paniguradong kahit wala ako dun ay hindi sila papaalisin ni Mama para hanapin ako. Minsan lang dumalo si Mama na nagpasama sa mga kaibigan ko kaya, kahit hindi nila sabihin, alam kong hindi pumayag si Mama kanina na umalis sila.
"Ayos lang ako. May nangyari lang kaya ako nawala."
"What happened?" inaangat ko ang pangin ko kay Zilpah. Naka-tunghay sa'kin ang seryoso niyang mga tingin. Pati si Arah na katabi kong naka-upo sa kama ay naka-tingala sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?
Napa-iling ako agad na naisip ko. Hindi ngayon ang oras para mag-isip ako ng ganun.
Nag-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyayari o magsisinungaling nalang para hindi na sila mag-alala pa. Lalo na ngayon na nakikinig ang mga magulang ko. Pero anong sasabihin ko?
Napa-pikit ako nang sumagi sa isip ko ang tungkol kina Doc. Sanchez. Ano nang gagawin ko? Sasabihin ko ba yung tungkol dun?
"May nakita kasi akong tao," nasabi ko nalang bigla. Wala na akong choice kundi ituloy yun. "Akala ko kilala ko kaya sinundan ko. Kaya ayun, nakalabas ako. Pero bigla nalang siyang nawala, babalik na sana ako pero hinarang ako ng mga tambay doon sa labas, mabuti nalang at may nagligtas sa'kin at hinatid ako dito." napa-kagat labi ako pagkatapos kong magsalita.
Arah sigh. "Mabuti naman at may nagligtas sayo, sino siya? Kailangan natin siyang pasalamatan." sabi ni Arah sabay hawak ng braso ko.
Pilit ko siyang nginitian. "Ayos na. Nagpasalamat na ako." gumanti naman siya ng ngiti.
Binalik ko ang tingin kay Zilpah na kunot-noong naka-tingin sa'kin. Napa-pikit ako, dahil alam kong alam niya na nagsisinungaling ako. Naka-limutan yata ni Arah ang mga lalaking naka-itim kanina na nagkalat sa paligid para magbantay kaya naniwala siya agad sa sinabi ko.
Mahigpit ang siguridad sa lugar na yun kaya imposible ang sinasabi ko, at alam kong yun din ang iniisip ni Zilpah at ng mga magulang ko. So Morales naman na nasa tabi ay tingin ko naniwala sa'kin, pero hindi ako sigurado kung iyon nga ba.
Naalala ko ang palusot na sinabi ko sa kanila. Saka kumunot ako nung maalala kong, hindi ko sinabi kay Dave kung saang condominium ako pero alam niya. Paano niya nalaman?
"Gabi na mga bata, maari na kayong umuwi." biglang sabi ni Papa, dahilan para lingunin namin siya.
Bumuntong hininga si Zilpah at yumuko sa mga magulang ko. "We'll go ahead, Tita, Tito." Paalam niya saka sabay silang tatlong lumabas.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...