Chapter 31

10 3 0
                                    

# ILWTD CHAPTER 31

"Fuck it!"

Inis akong napahilamos ng tubig sa mukha ko. Ilang minuto akong nakatulala sa repleksiyon ko sa salamin at hindi ako natutuwa.

Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko kina Zab at Razel. Gusto kong maiyak sa sobrang inis pero hindi ko magawa. Ayaw tumulo.

Ilang minuto ang lumipas nun nung napag-desisyunan kong idilat ang mga mata ko. Marahan akong tumayo at umaktong kakagising ko lang talaga. Na wala akong narinig kahit isang salita mula sa kanila.

Luminga-linga ako at saka lumingon sa likuran. I saw them breathing heavily while looking at each other. Nagulat sila nung makita akong naka-tingin sa kanila. For the first time, nakita kong nanlaki ang mga mata nila at ang tunay na ekspresiyon nilang nagulat talaga. Pero hindi ko magawang matuwa dahil sa nakita ko. Hindi ko kaya.

Lumunok ako at pilit na ngumiti at kinunot ang noo. "Hey... What are you guys doing there?" I asked the two of them. Zab's jaw clenched while Razel gulp. "What happened to you, Razel?" I saw a bruise on the side of his lips, and a little blood on it. Like he was, hit hard.

Agad siyang umiling at pilit na ngumiti. "This is nothing. Just nothing." muntikan na siyang mautal nang sabihin niya yun.

Napalingon ako kay Zab nung naglakad siya palapit sa'kin. "Let's go." malamig niyang sabi. Hinila niya ako, at hindi na hinayang lumingon pa. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang naka-hawak ng mahigpit sa'kin. Lalo na ang kamao niya. And there, the evidence that he was the one who hit Razel on the face.

Sinakay niya ako sa kotse niya at tahimik niya yung minaneho. "Ahm... Pwedeng ibaba mo 'ko sa condo ko?" napalingon siya sa 'kin at kumunot ang  noo. Agad niya rin namang binalik ang tingin sa harapan. "I want to rest. I'm... little unwell." naka-ngiti kong sabi.

Lumabot ang bahagya ang ekspresiyon niya. Nawala na ang galit niyang aura kanina, na kung hindi ko alam ang pinag-usapan nila kanin ay hindi ko mahahalata. "Are you okay? What are you feeling?" I don't exactly know. But I'm sure I'm upset.

Akma niyang hahawakan ang noo ko nung pinigilan ko siya. Napalingon siya dahil dun. Pilit akong tumawa then force a smile. "Yeah, don't worry, as I've said, I'm just a little unwell."

"Do you want me there with you?" palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa harap.

"No!" tumikhim ako nung sandaling kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil sa biglang pag-taas ng boses ko. "I mean, it's fine. You don't have too. I will just sleep again, and I will be better." I gave him a convincing smile.

He sigh. "Okay." Nang huminto ang kotse niya sa harap ng condominium ay lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. "Take care." From whom? From you?

I force a smile again. "I will. Bye." that smile on my face immediately gone the moment I stepped out from his car.

Lumabas ako ng banyo at kinuha ang susi ng kotse ko. Well, hindi naman talaga totoo na matutulog ako. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ngayon habang iniisip parin ang mga sinabi nila kanina.

"You need to kill her!"

Marahas kong pinilig ang ulo ko at bumuntong-hininga. Nagbihis ako ng itim na sweater at maiksing maong short na kulay puti. Kinuha ko rin ang puti kong sobrero at wallet, saka ako lumabas na.

I drived to nowhere. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang ay ma refresh ang utak ko.

Mabuti nalang at walang traffic kaya dere-deretso lang ang andar ko. Humigpit ang hawak ko sa manubela nang maalala na naman ang mga narinig ko kanina.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now