Chapter 16

24 4 0
                                    

# ILWTD CHAPTER 16

Agad nag-dismissed si Doc. pagkatapos ng announcement niya. Sa ilang taong kilala ko siya simula first year, dahil sikat siya sa pagiging terror, ngayon ko lang siya nakitang sobrang saya. Ngumiti na parang walang bukas, at higit sa lahat, ang tumawa. One of my blockmate joked him earlier about the special prize, usually, babarahin niya ang mga binibiro siya. But to our surprise, he laugh. Yes, he laugh like it's usual to him, even if it's not.

Is it because of Morales, gave him the project? I know that, every teacher will be happy if his/her students pass the task or project he gave. Pero parang nasobrahan naman yata siya sa pagka-saya. Hindi naman ako against dun, pero nakakapagtaka talaga ang reaksiyon niya.

Una, special daw and project na 'to kahit wala naman akong nakitang kaespesiyal-espesiyal dahil hello, tungkol kaya yun sa droga, na sumisira ng maraming buhay.

Pangalawa, may special prize pa sa kung sino man ang magpapasa. At ano naman kaya ang special prize na yun? Ganun ba talaga ka importante ang project na 'to, dahil to the point na magbibigay siya ng prize tapos special pa, na hindi naman niya ginagawa dati, dahil nga, terror siya. Wala siyang paki-alam kung babagsak ka, basta ginagawa niya lang ang trabaho niya. Ang magturo. Problema mo na yun kung hindi ka nakinig.

At ang pangatlo, yun nga. Ang nakakapag-takang kasiyahan niya. Sobrang wierd.

Anyways, nag-aayos na ako ng gamit ko dahil akala ko may quiz kami ngayon, nag-review pa naman ako. Pero dahil nga sa announcement niya kanina, ay hindi na tuloy at nag dismissed agad. Dobleng papuri ang binigay nila kay Morales dahil dun, pero ako, hindi ko alam.

Kaya binilisan ko pa ang pag-aayos ko ng gamit nung makita kong nagsimula ng maglakad si Morales palabas. "Morales, sandali!" Sigaw ko pero hindi man lang siya lumingon. Kanina pa ako naiinis sa kanya ah... "Morales, ano ba?! Sandali lang sabi!" Sinabit ko na ang bag ko sa balikat at binitbit nalang ang hindi kakapalang librong ni-review ko kanina saka siya hinabol.

Tumakbo ako nung makita kong nasa kalahati na siya ng hallway, ang bilis niya maglakad ah! Baka naman sinadya? Para hindi ko siya maabutan. Pero diyan siya nagkakamali. Hindi siya makakatakas sa'kin, kailangan naming mag-usap.

Nung maabutan ko siya ay hinampas ko sa kanya ang librong hawak ko dahilan para mapatigil siya. Hindi man lang siya dumaing katulad ng lagi niyang ginagawa kapag ginagawa ko yun sa kanya. "You can't escape from me. Let's talk." I seriously said.

He look at me still in his face he wear earlier. "Busy ako." Walang emosiyong sabi niya pagkatapos ay nilagpasan ako. Of course, hinabol ko siya ulit. Hindi pwedeng hindi kami makapag-usap. Marami pa akong itatanong sa kanya.

"And you can't avoid me. Kaya mag-uusap tayo sa ayaw at gusto mo." Hinawakan ko ang pulso niya at hinila siya. Pero laking gulat ko nung bigla niyang marahas na winaksi ang kamay ko. Umawang ang labi at nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-react ng mga estudiyanteng naka-kita sa ginawa niya. May narinig pa ako na, may LQ daw kami. Pagsasabihan ko sana, pero wala akong panahon dahil gulat na gulat parin ako sa ginawa niya.

Sino bang hindi? Sa mga nakaka-kita  at nakaka-kilala sa'min ni Morales ay sigaradong magugulat talaga sila. Sobrang lambing kaya ni Morales pagdating sa'kin tapos biglang ginawa niya yun sa'kin ngayon.

Mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya kaya agad lumabot ang mukha niya. "I-I'm sorry."

"I-I... Ahm... I-it's okay." Nasabi ko nalang, dahil hindi parin ako makapaniwala na ginawa niya yun sa'kin. Hindi ko ini-expect na magagawa niya yun dahil never niya akong nasaktan ng ganun. Yes, nasaktan ako. Sa sobrang rahas ng pagwaksi niya, pakiramdam ko tumalsik ang braso ko at nabali.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now