Chapter 38

14 4 0
                                    

#ILWTD CHAPTER 38

Nanliit ang mga mata ko pagkapasok. Dahil sa surgical lights ay maliwag ang bahagi ng paligid. Nilingon ko ang nasa kanan nang may tumawag sa'kin.

"Doc, handa na po ang mga gamit." ani niya.

Seryoso akong tumango. "Good." Dapat lang. Lumapit na ako sa operating table at pinagmasdan ng mabuti ang dalawang lalaking pasyente, na nakapikit. "Where's Doctora Obina?" patukoy ko sa kasama ko sa operasiyon na gagawin.

"Nasa scrub sinks pa po, Doc." she said.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang oras. Lumpagpas na kami sa oras na dapat gagawin ang operasiyon. Bakit naroon parin siya? I pursed my lips together under my mask.

"Your mask," seryoso kong sabi.

Parang bigla naman siyang nataranta sa sinabi ko at agad na sinout ng maayos ang mask niya. "Sorry po!" sabi niya. Napa-iling nalang ako.

Tinignan ko ng mabuti ang mga gagamitin habang hinintay ang ang kasama ko.

At nang sa wakas ay pumasok na siya ay agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Magandang umaga sa'yo Doktora." bati niya.

"You're nine minutes late, Doctora Obina." seryosong sabi ko.

Ngumiti siya sa'kin na parang wala lang 'yon habang inaayos ang sarili niya.

"Kasi, naghugas pa ako ng kamay siyempre. You're very aware that before doing a surgery, I take a lot of time scrubing in." sabi niya.

Bumasagot ang mukha ko at mariing nilapat ang labi ko sa ilalim ng mask dahil sa inis. Tumawa siya nang mapansin ang pananahimik ko. Marahil alam niya na nainis na ako.

Hindi nalang ako umimik at nag-concentrate na para simulan ang operasiyon. Lima kami sa OR at ganun ang ginagawa. "Time check, 11:12 AM." I said and we started.

Halos magli-limang oras din ang tinagal ng operasiyon. It's kidney transplant and it's my first time doing it so it's a little bit hard for me but thankfully the operation went well and successful.

Hindi ito ang unang beses na humawak ako ng ganitong klaseng kaso pero iba naman ang mga 'yon, kagaya ng heart transplant at iba pa. Ngayon lang talaga ang kidney.

Agad akong lumabas ng matapos dahil halos mahilo na ako kaka-irap dahil kay Doctora Obina. Nakangisi naman siya sa'kin kaya hindi ko na naman napigilan ang pag-irap. Tumawa siya at mas lalo akong nainis.

"'Kita mo 'to, pikon na naman." tawa niya.

Narinig ko rin ang ibang tawa ng mga Doktor na sumalubong sa'min sa labas. "Not bad for a first timer." puri ng aking senior.

I smiled at him. "Yeah, mabuti at hindi ko nalang gaanong inisip na si Doctora Obina ang kasama ko." sabi ko, nang may pagka-sarkastiko dahilan para magtawanan sila.

"Doctor Casil, sa susunod ipares niyo ulit sa'kin si Doktora M." sabi niya sa aking senior dahilan para bumusangot ang mukha ko.

"Alam na alam mo talaga kung paano ako asarin 'no?" bulong ko sa kaniya na sinigurado kong kami lang ang nakakarinig.

Tinawanan niya lang ako. Ilang minuto pa kaming nakipag-usap sa aming kapwa Doktor doon at ilang ulit pa nila kaming pinuri. Hindi ko maiwasan ang mahiya dahil ginawa ko lang naman ng maayos ang trabaho ko.

Nagpakawala siya ng matunog na buntong hininga nang matapos na kaming makipag-usap sa kanila. Hindi ko maiwasan ang pagtawa kaya sumulyap siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "What? Puro kaplastikan lang naman 'yong isa doon." sabi niya at umirap habang naglalakad kami sa hallway ng ospital.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now