#ILWTD CHAPTER 5
I froze.
I can't move.
Scared thought hit me.
I'm confuse. What the hell is happening?! Why are they pointing a gun on me?! Who are they?!
Mahigpit 'kong niyakap ang librong hawak ko. Nanginginig ako sa takot. Naguguluhan ako. Sa pagkaka-alam ko, wala akong ginawang masama. Anong nangyayari?
Bumili lang ako ng libro. Hindi ko naman ninakaw. At kung ninakaw ko man, kailangan bang tutukan ako ng baril?
"S-sino kayo?" Nanginginig 'kong tanong.
The guy who pointed a gun on me smirk. "It's no need to know. You'll die anyway." napalunok ako. Die?
"W-what do you mean?" God! Is he going to... No way!
Naging seryoso ang mukha niya. Napalunok ulit ako. "Sinira mo ang lahat." kalmado pero nagtatagis ang panga at halatang nagpipigil siya. Nakakatakot.
"A-ano bang pinag sasabi mo?" lakas loob 'kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang ginawa ko?
"Nang dahil sayo nasira ang lahat! Nasira lahat ng plano ko!" he shouted.
I was horrified when he slap me. Napunta sa ibang dereksyon ang mukha ko. Takot na takot ako. Wala akong Laban. Ang dami Nila. Kahit yung nasa harap ko lang ang nag-iisang nakatutok sa'kin ng baril ay wala parin akong laban. Hindi nga nila tinututok sa'kin pero lahat sila may baril.
"Wala akong ginagawang masama sa inyo. Wala akong kasalanan!" sigaw ko pabalik. Na agad ko ring pinag sisihan dahil lalong nag dilim ang mukha niya. Sinusubukan 'kong ipakita na matapang ako, pero alam ko, takot ang nakikita sa mga mata ko.
"You ruined everything! Wala na dapat akong problema ngayon! Wala na dapat kaming problema!" kumunot ang noo ko. Lagi niyang sinasabi na sinira ko daw ang lahat. Ano bang sinira ko? Ano bang pinag sasabi niya?
"I don't know what's your talking about!"
"Shut up!"
Then, he slap me again. Ramdam ko ang hapdi nun. Ang sakit. Pangalawa na. Ayoko sa lahat yung sinasaktan ako na hindi ko Alam ang dahilan. Dapat nilalabanan ko na siya ngayon. Pero niyeta! Hindi ko magawa. Natatakot ako.
"Pero hindi ko———"
"I said shut the fuck up! Did I fucking told you to speak?!" and slap me again. It hurts. So much. Ano bang ginawa ko. Bakit galit na galit siya sa'kin? "I will fucking kill you."
Puno ng galit ang mga mata niya. Nag dilim ang mukha. Umawang ang labi ko.
Kill?
He's going to kill me?
Why?
Pumikit ako. Hinintay ko ang pag putok ng baril sa'kin. Wala na akong takas. Kahit gustuhin ko man. Wala na. Ito na ata talagang katapusan ko. Bakit naging ganto ang buhay ko? What did I do from my past life, to become this miserable in my present?
Ilang sandali lang, naramdaman 'kong may humila sa' kin at napasubsob ako sa isang matigas na bahagi na alam kong dibdib.
"Aaaaahhhhh!!" I shouted. And then I heard, a gun shot. Napatakip ako ng tenga ko. Nahulog din ang mga librong hawak ko. Tapos na sundan pa ng napakaraming sunod-sunod at sabay-sabay na putok ng baril. Marahas 'kong lalong pinikit ang mata ko. Masaganang tumutulo ang mga luha ko. Natatakot ako. Hinihila ako ng taong may hawak sa'kin na para bang kino-kontrol niya kung saan ako babaling. Umaali-ngawngaw ang mga putukan ng baril.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...