Chapter 7

52 9 0
                                    

#ILWTD CHAPTER 7

Lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Dagdag ng dagdag ang mga problema at tanong ko. Nakakabaliw! Nakakapagod mag-isip.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. I'm not conscious of what I look in front of him, kasi sanay naman na ako. Kaya okay lang sa'kin kung may makita man siyang muta o laway sa mukha ko, kung meron man. Pero sure akong wala.

Lumapit siya at kinuha ang maleta ko. "To fetch you."

I frowned. Ano bang pinag-sasabi niya? "Wait lang ha? Naguguluhan ako. Anong pinag-sasabi mong sinusundo mo 'ko? At paano ka nakapunta dito?" Sunod-sunod 'kong tanong. But, he just keep on smiling. Until, I gasp. "Bahay mo 'to?" I asked with my wide eyes. Paano? As in, paano nangyari yun?

"What do you think?" He asked back.

Biglang pumasok sa isip ko yung nakita ko sa itaas ng bahay. Ang letrang yun. Letter Z. Does it mean, Zilpah? Siguro yun nga. I can't believed it. All this time, bahay pala 'to ni Zilpah? Tsk! Pero, "Nasaan si Pzycho?"

Bahagya siyang natigilan pero ngumiti ulit siya. "Really, M? Q and A?" Natatawang tanong niya pero naka-kunot lang ang noo ko. "Maligo kana. Male-late na tayo." At dun na ako natauhan. Dali-dali akong pumunta sa banyo ng may tanong parin sa utak ko.

* * *

"Babalik na ako sa condo ko?"

Naka-ngiti siyang tumango. "Yup! Kaya sumakay kana ng kotse dahil dadaan muna tayo sa condo mo para ilagay dun ang maleta mo bago tayo pumasok." Tulalang sinunod ko siya.

Habang nasa biyahe ay parang lumilipad ang isip ko. Ito na naman yung mga tanong sa utak ko. Paano nangyaring si Zilpah—I mean, paanong naging si Zilpah? Kung siya yung may-ari ng bahay, edi siya yung nag-utos kay Pzycho. Paano sila nagka-kilala ni Pzycho, in the first place? Wait, bakit ba yun yung pinoproblema ko?

Nabawasan yung pagtataka ko kung bakit ako gustong ipa-protekta ni Zilpah, dahil alam niya yung nangyari sa'kin. Pero hindi ba dapat, isumbong namin sa mga awtoridad ang nangyari sa'kin, para sila na mismo ang mag-protekta sa'kin? No, hindi pala pwede. Kapag nag-report ako, malalaman nila Daddy, because one of my Uncle is a Police Head Officer here in the Philippines. Kaya tama lang na hindi ako mag-sumbong. Ayokong mag-alala sa'kin ang parents ko.

But, who is Pzycho? Or, I must ask, what is he? What is his abilities to save me? Is he an Officer too? An agent? Or whatever?

How can he going to save me? Lalo pa ngayon na, hindi namin kilala kung sino ang mga gustong pumatay sa'kin. O baka naman, ako lang ang hindi nakakakilala? Pero, imposible!

"Hey! Hindi kaba bababa?" Napabalik ako sa sarili ko nung pitikin ni Zilpah ang noo ko. Napa-hawak ako dun at napa-nguso. Ang sakit ha!

"Sorry." Sabi ko nalang at bumaba na. Siya na ang nagdala ng maleta ko at naglakad na kami papuntang unit ko. Pagkatapos ay dumiretso kami na kami sa school.

Nakita ko kaagad si Arah sa kina-uupuan niya. Naghanda na ako sa mga tanong niya pero hanggang sa maka-upo ako sa tabi niya, hindi niya man lang ako nilingon. Siguro nga, hindi niya pa ako napapansin e. Naka-tulala lang siya sa bintana habang naka-tukod ang kamay niya sa silya para suportahan ang pisngi niya. Tumikhim ako. Wala. Mas nilakasan ko. Wala parin. Likasan ko pa. Pero wala talaga. Kaya no choice, hinila ko ang buhok niya.

"Holy mother—"

"Sige, ituloy mo." Putol ko sa salitang sasabihin niya na alam kung mura.

Inis niyang hinila pabalik yung buhok niya at sinamaan ako ng tingin. "Bakit kaba nanghihila ng buhok ng may buhok, ha?!" She hissed.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now