Chapter 34

16 3 0
                                    

# ILWTD CHAPTER 34

Ayoko na!

Bakit sila? Bakit siya? Bakit si Doctor Jimenez? Bakit yung taong sobrang hinahangaan ko pa?

Life is bullshit! Why do it have to be him? I can't take this anymore! This is so impossible! Doctor Jimenez is a good man... Or just so I thought?

He walked slowly towards me, with his fucking smile! Yung ngiti niya na gustong-gusto ko. Yung ngiti niya na nakakahawa.

Pero hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko kaya. Sa mga nalaman ko? Tingin ba niya, makaka-ngiti ako?

"Hello, my excellent student."

I glared at him. Tumayo ako at akmang lalapitan siya nung agad na kumilos ang mga tauhan niya sa likod para pigilan ako. Hinawakan nila ako sa nagkabilang balikat, habang pilit akong kumawala. "Manloloko ka! All this time, we've been admiring a criminal. Doctor Jimenez isn't real! He's not existing! Because you! You're a liar!" I shouted with my tears of fury, frustration and disappointment.

"M!" sigaw ni Caezar sa'kin, pero sinamaan ko din siya ng tingin.

"Siya?!" turo ko kay Doctor Jimenez, habang naka-tingin sa kanya. "Siya ang pinakamamahal mong ama?!" I scoffed. He glared at me, like he don't like what I'm doing. But I didn't mind that. I don't care. I felt betrayed. "You know what I'm feeling right now, Caezar? Huh? You don't. So shut your mouth!" I yelled.

Binitawan ako nung mga tauhan niya nung hindi na ako nanlaban. Napa-luhod ako sa sahig at dun tahimik na umiiyak. Inis na inis ako. Hindi ako maka-paniwalang Professor ko ang tunay na ama ni Caezar.

Bakit ba ako nagagalit?

Dahil pakiramdam ko kasinungalingan lang lahat. Kung matagal na niya akong kilala, ibig sabihin yung mga pinapakita niya sa'king mabuti dati, ay palabas lang? Dahil may kailangan siya?

Paano ba nangyari ang lahat ng 'to? Kung isa siyang hari ng Mafia Zee, napaka-yaman nila. Napaka-yaman niya. Pero bakit siya nagtuturo? Bakit siya nagtatiyaga na magturo sa isang unibersidad?

O baka, sa buong eskwelahan siya may kailangan? May kailangang malaman. Siya ang nag-utos para patayin si Zab. Magka-dugtong si Razel na may-ari ng Zalsos University at si Zab. Kung ganun, nandun siya para magmanman.

Napaka-galing! Ang galing niyang magtago. Pero bakit hindi siya nakilala ni Zab? Bakit at paano siya naka-pasok sa teriteryo ni Razel na myembro din ng isang organisasiyon?

Naniniwala akong hindi isang pangkariniwang hari si Zab. At si Razel bilang isang myembro. Pero bakit hindi nila alam ang tungkol kay Doctor Jimenez?

Hindi nga pala Jimenez ang totoo niyang apilyedo. Hindi totoo ang pangalang ginagamit niya. Siya si Bedivere Zee, ang hari ng Mafia Zee. Na kapatid ni Doctor Sanchez at ama ni Caezar.

Nanlaki ang mga mata ko. Kung ganun, alam ba ni Doc. Sanchez na kapatid niya ay katrabaho niya?

"Morgianna Mirthyl Creus," napa-angat ako ng tingin sa kanya matapos kong punasan ang luha ko. Naka-ngisi siya habang naka-dungaw sa'kin. "As what I can see, you don't know who you are. Don't worry, I'll assure you, that before this day end, you will know." marahan niyang sabi.

Hindi ko naisip dati na dadating ang araw na kamumuhian ko ang marahan niyang pagsasalita. Pero ngayon, parang gusto ko nalang na patahimikin siya, dahil ayaw ko na siyang marinig pang mag-salita.

"I loathe you." matigas kong sabi.

"Oh, you said you admired me." naka-ngiti niya paring sabi.

"That was then! I didn't know you're a demon!"

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now