Chapter 40

16 4 1
                                    

#ILWTD CHAPTER 40

Mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba habang inihihiga siya sa aking kama. Nanginginig pa ang kamay ko at mahapdi ang mata dahil sa pagpipigil.

He groaned in pain when I accidentally hit it with my finger. "I'm sorry! Shit, I'm sorry." paghingi ko agad ng tawad. Napapikit siya ng mariin. Sandali akong natulala at hindi malaman ang gagawin.

Nang imulat niya ang kaniyang mata at tumitig sa'kin gamit ang nanghihina niyang kulay abong mga mata ay doon ako natauhan.

Shit! May lason ang sugat niya ngayon! Kailangan kong kumilos agad para hindi 'yon kumalat.

"Stay there, okay?" hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad kong kinuha ang mga kakailanganin ko. Sinigurado kong kompleto 'yon. Laking pasasalamat ko talaga at may mga gamit at gamot ako dito sa condo, kung wala, ay hindi ko na alam.

Nang masigurong nakuha ko na lahat ay binalikan ko siya. Dahan-dahan ko nang pinunit ang damit niya sa bandang may saksak. Wala ng panahon para hubarin ang damit niya, dahil unti-unti ng kumakalat ang lason. Nangingitin na ang bahaging tagiliran niya at nagsilitawan ang mga ugat.

Tinurukan ko siya ng anesthesia dahil pakiramdam ko ay nasasaktan din ako sa tuwing naririnig ko ang mga daing niya. Matapos no'n ay tinurukan ko ulit ng gamot sa lason at nilinis ko na ito ng mabuti bago tinahi.

Sinulyapan ko siya, at nakitang nakapikit siya, mapulta ang mukha pero mapayapa. Hindi ko mawari kung natutulog ba siya o hindi, kaya muli kong tinuon ang pansin sa kaniyang sugat.

Pakiramdam ko ay parang bumalik kami sa dati. 'Yong panahong una ko siyang naka-usap, una ko siyang nahawakan. 'Yong panahon kung kailan nagsimula ang lahat. Hindi ko 'yon makakalimutan dahil isa sa napaka-importanteng kaganapan sa buhay ko.

Ang kaibahan nga lang ay, nasa sofa siya no'n, ngayon ay nasa mismong kama ko na. Noon, ay kinakabahan ako at wala pang gaanong tiwala sa sarili ko na kaya at magagawa ko siyang tulungan.

Ang kaibahan nga lang ay dati, tingin ko ay mahal ko siya. Napagtanto ko kasi no'ng mga panahong tumigil na ako sa kakabigay ng atensiyon sa kaniya, na hindi ako sigurado kung pagmamahal ba talaga 'yon.

Maybe I was just in love with the thought that I'm in love with him. I don't know. Maybe something like that. Many realizations hit me, and one of those is my real feelings for him.

Masiyado akong na-obsessed sa kaisipan na mahal ko siya, kaya gano'n nalang ang pagpapahalaga ko. Saka ko lang napagtanto, na hindi dapat gano'n. Hindi dapat gano'n ang pagmamahal ko. It was selfless.

Pagkatapos kong tahiin ay tinignan ko siya ulit. Nakapikit parin siya kaya hindi ko alam kung gising ba siya o tulog. "Zab?" I softly callee his name. "Are you sleeping?" I pursed my lips and was about to stand up when he didn't respond. But I stopped when he suddenly held my wrist tight enough to stop me.

"Stay..." mahina niyang sabi still in his closed eyes.

Nagdalawang-isip ako dahil ramdam ko ang init ng kaniyang palad. Umayos ako ng upo at dahan-dahang nilapat ang palad ko sa noo niya. Napangiwi ako dahil sa init no'n.

Dahil sa lason, nilagnat siya.

Naghintay ako ng ilang sandali. Nang maramdaman ko ang pagluwang ng pagkakahawak niya sa pulso ko ay tumayo na ako. Inayos ko ang comforter at itinabon hanggang sa balikat niya.

Ginamot ko naman na siya kaya hihintayin ko nalang ulit na magising siya para malaman kung anong nararamdaman niya.

Pinigilan ko ang sariling haplusin ang mukha niya at tumalikod nalang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Obina bago pumunta sa sala. Alam kong nagpapahinga siya ngayon, pero kailangan ko ang tulong niya.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now