Chapter 24

20 4 0
                                    

#ILWTD CHAPTER 24

Sa sumunod na mga buwan, ay hindi ko alam kung okay parin ba ang nangyayari sa'min. Hindi kami nag-aaway, kasi hindi naman ako gumagawa ng bagay na ikinaiinis niya, at siya rin. Kahit ano namang gawin niya, ay mapapatawad ko parin naman siya, kapag nilalambing niya ako.

Siya yung kahinaan ko 'di ba? Ang unfair, oo, pero wala e. Mahal ko e.

May time na nagseselos siya, pero hindi naman yun nagtatagal kasi pinapaliwanag ko kaagad. Ako naman ay medyo naiinis kapag, minsan hindi siya nagpaparamdam ng ilang araw, yung tipong hindi tumatawag o nag-te-text. Pero pinapaliwanag niya naman kapag nagkikita na kami.

At hindi rin nagtatagal ang inis na yun dahil ipapaliwanag niya naman sa'kin, na may kasamang lambing---na hindi ko alam kung lambing ba kasi wala namang emosiyon yung mukha niya at may pagka-cold din ang boses niya na lagi naman, at sanay na ako.

At ito pa, wala paring nagbago. Wala parin kaming label. O, 'di ba? Sa dalawang buwa'ng lumipas, parang-kami-na-hindi­ parin yung set-up namin. To be honest, gustong-gusto kong itanong sa kanya, pero ayokong sirain yung moment, yung days. You get it? Nakakatakot. Nakakatakot umasa, nakakatakot mag-expect. Natatakot akong itanong kahit gusto kong malaman yung sagot.

Kaya, hinihinitay ko nalang na siya ang mag-open up ng topic na yun. Ng issue na yun. Pero dalawang buwan narin akong naghihintay na mag-open up siya. Wala. Nga-nga.

Linggo ngayon, at nasa condo lang ako, nakatunga-nga. Wala akong magawa kundi ang manood ng Inuyasha sa TV. Well, 'buti pa si Inuyasha, kasama ko ngayon, si Zab hindi. Sabado ng gabi siya huling nagparamdam sa'kin, at hanggang ngayon, wala parin akong balita sa kanya. Hindi siya tumawag o nag-text man lang. Nag-aalala ako, siyempre. Ayoko naman siyang tawagan o i-text kasi, paano kung busy pala siya? Na may importanteng ginagawa? Kaya hindi nalang. Ayoko siyang istorbohin kung ganun.

Napa-buntong hininga ako. Kailangan kong lumabas. Mamamatay ako kapag nanatili parin ako dito sa loob, ng isang oras. Pero saan ako pupunta? Sinong kasama ko? Or should I say, sinong isasama ko?

Tinignan ko ang cellphone ko na nasa tabi ko. Nag-dadalawng isip ako kung kukunin ko ba yun o hindi. But in the end kinuha ko na, and then I found myself typing Arah's name on the search bar. I tap her number and called her. Tatlong ring palang ay sinagot na niya.

"Bakit?" agad na bungad niya at may kasama pang hikab.

"Huwag mong sabihing kakagising mo lang?" tanong ko sa kanya kahit obvious.

"Sakto nga ang timing mo e. Kaka-bangon ko lang,"

"Grabe ka! Eleven na kaya!" sabi ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umirap yung babaeng yun dahil sa sinabi ko.

"Oh, e ano ngayon?" ngayon ako naman ang umirap dahil sa sinabi niya.

"E, bakit ka kasi nag-puyat?"

"Eh, si Morales kasi, nakaka-bwisit! Mang---" napatigil siya, nung ma-realize niya siguro na, secret niya lang yun. Tsk!

Napa-irap ako. Masiyado naman silang obvious. "Maligo kana. Sasamahan mo 'ko ngayong araw." Sabi ko nalang, para mabilis na.

"Saan?" narinig ko ang kaunting kaluskus niya, kaya iniisip ko na tumayo na siya.

"Basta, hindi dito sa condo."

"Okay, hintayin mo nalang ako sa labas ng condo building mo."

"Okay. Isabay mo na si Morales ha? Bye!" hindi ko na hinintay ang response niya sa sinabi ko at pinatayan ko na siya ng telepono.

Nag-ayos na ako. Hinintay ko siya sa baba ng condominium building na tinitirahan ko. Ilang minuto lang ang naka-lipas ay sa wakas dumating na siya.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now