Chapter 36

7 4 1
                                    

#ILWTD CHAPTER 36

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. As in, I don't know. I can't even utter a single word and just staring at them.

But even if I don't know what to feel. I'm sure I'm upset. Who wouldn't? For goodness sake, I'm their daughter! The thing they kept is my identity, their identity. Including, what really are we.

I can't believe there are things like that, they didn't tell me. I still can't believe they kept that important details on me.

"Anak..."

And that's it. My heart sink. Napakurap-kurap ako. I pursed my lips together and my eyes started to water. Umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko na ang kirot ng dibdib ko.

Nang subukan akong hawakan ni Mamá ay hindi ako naka-kilos. Pero nanatili akong nakabaling sa gilid dahil ayokong salubungin ang tingin niya.

Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla nalang akong sumabog. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kahit galit ako ay magsusumbong ako sa kanila. Isusumbong ko lahat ng nangyari sa'kin, lahat ng ginawa sa'kin ng mga taong inabuso ang kabaitan ko. Na isa rin sila roon.

"Anak, I'm sorry." Her voice cracked.

Nangililid ang luha ko. Nang maramdaman ko ang mainit niyang  kamay na bumalot sa malamig kong palad ay napaluha ako pero nanatiling nakabaling paharap sa bintana.

Nagsimulang maglakad si Zilpah. Yumuko siya sa mga magulang ko at lumabas para bigyan kami ng privacy.

I bitterly smiled. Ngayon alam ko na kung bakit laging yumuyuko si Zilpah sa kanila.

"I'm sorry we didn't tell you. I'm sorry you discovered it from others. I'm sorry you have to experience this. I'm sorry for everthing just happened." she said and started crying.

Hindi narin matigil ang pag-agos ng luha ko. It hurts hearing her cries. I never heard her cried before. Ito ang unang beses na umiyak siya sa harap ko ng ganyan. At ang sakit pakinggan. Gustuhin ko man na patigilan siya, na patahanin siya at yakapin, ay hindi ko magawa. Ang sakit kasi ng ginawa nila.

Agad siyang dinaluhan siya ni Papá dahilan para mas lalo siyang napa-iyak.

"W-we are... we're just scared." Dagdag niya.

Nasasaktang nilingon ko sila. "Scared?" Mahinang ulit ko sa sinabi niya. I forced myself to sit. Nang makitang nahihirapan ako ay inalalayan ako ni Papá. Sa una, ay nagdalawang-isip pa siya pero nakahinga din ng maluwag ng hindi ako umalma. "Ano pong kinakatakot niyo?"

"Natatakot lang kami sa magiging kalagayan mo, kapag nalaman mo ang tungkol dun. Ayokong mapahamak ka anak. I can't risk your life, just because of what happened in the past." umiiyak na sabi ni Mamá.

"Pero nangyari na po..." I told her with my teary eyes.

"I'm so sorry." Humagulhol bigla si Mamá, dahilan para bahagya akong nataranta.

Hinahagod ni Papá ang likuran niya habang nakiki-usap ang matang naka-tingin sa'kin. "Patawarin mo kami, anak." Nagsimula naring umiiyak si Papá.

Hindi ko kaya na makita silang ganun. Ang pinipigilan kong luha ay kusa nalang kumawala. Ang hikbi ko nalang ang ayaw kong marinig nila, pero pati yun at tinraydor ako.

"Papá..." umiiyak na tawag ko.

Napa-kagat ng labi si Papá at tahimik na lumuluha habang patuloy na nagso-sorry sa'kin. Maging si Mamá ay ganun din. "I promise, we won't do it again, baby. I promise you, we won't keep a secret again, just... just forgive us, baby, please?" umiiyak na sabi ni Mamá.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now