#ILWTD CHAPTER 17
Lumilipad ang utak ko habang naglalakad ako papasok sa bahay na minsan ko na din'g tinirahan ng mahigit isang buwan. Nalilito ako. As in, ang lito. Bakit siya nandito? I mean, bakit kami nandito? Ang sabi sa'kin ni Zilpah, bahay niya 'to... Pero bakit kung kumilos si Zab, parang alam na alam niya ang lugar at ang bahay na' to.
Nang makapasok ako ay nilibot ko ang paningin ko sa loob. Wala parin'g pinagbago. Kung anong itsura niya nung umalis ako, ganun parin hanggang ngayon.
Nakita ko si Zab na pumasok sa is ang kwarto. Naalala ko nun, sinubukan king pumasok sa kwarto na yun , pero, pinigilan ako ni Pzycho. Nung una, nagtaka ako pero hindi narin ako nagtanong. Nakikitira lang naman ako noon dito, kaya wala at hindi dapat ako nakiki-alaman sa mga bagay na hindi akin.
Since, kanina ako nauuhaw, ay pumunta muna ako sa kusina. Hindi naman ako nahirapan dahil nga sanay na sanay na ako. Tumira ako dito ng mahigit isang buwan, kaya alam na alam ko na ang pasikot-sikot sa loob ng bahay na 'to.
Pagkatapos uminom ng tubig ay naghanap naman ako ng makakakin. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Since, I don't know why we're here, might as well, eat something, para mawala ang gutom ko. Kung bakit niya ba naman ako dinala dito nang hindi sinasabi kung anong gagawin.
Natigilan ako nang maalala ko na may klase pa pala ako. Pero agad ding pumasok sa utak ko ang sinabi ni Zab kanina.
*"Just come with me, and it'll be fix."*
Naramdaman ko na naman yung parang paro-paro sa tiyan ko. Pati ang pamumula ng pisngi ko. My God... Bakit ganun nalang ako kiligin kay Zab? I'm not a girl anymore, I'm already a woman. Yet, I'm blushing like a teenage girl. Nakakahiya talaga.
Wala namang nakakakilig sa mga sinasabi o ginagawa niya. Siguro ang OA ko lang.
May nakita akong cup noodles, at dahil gutom na talaga ako, yun na ang kinain ko. Hindi parin lumalabas si Zab matapos kong kumain, kaya pumunta nalang ako sa dating kwartong tinutulugan ko. Wala ring nagbago. Pati ang amoy ko, naamoy ko parin. Malinis din ang buong kwarto. Inaamin ko na, na-miss ko din 'tong kwarto na 'to—ang buong bahay na 'to.
May mga naiwan din akong gamit dito. Sa paka-alala ko kasi, mga damit ko lang ang nilagay ni Zilpah sa luggage ko. Ngayon, sobrang nagtataka na talaga ako kung bakit kami nandito. Nagbuntong hininga nalang ako at humiga sa kama. Nakakapagod mag-isip. Sa dami ng iniisip ko, ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako at tumingin sa bintana ng kwarto. Madilim na. Biglang pumasok sa utak ko si Zab. Lumabas na kaya siya? Tumayo ako at pumunta sa sala. Nang hindi ko siya nakita dun ay pumunta ako sa kusina, wala parin. Kaya nag desisiyon akong puntahan na siya sa kwarto niya.
Kahit nahihiya ay kumatok parin ako. "Zab?" Tawag ko pero walang sumagot. "Zab? Nandiyan kaba?" Katulad kanina, ay wala paring sumagot. Patuloy ako sa pagkatok pero wala talaga. Hinawakan ko ang door knob at nagtaka ako dahil hindi naka-lock.
Pipihitin ko palang sana yun nung may nagsalita sa likod ko.
"Don't you dare." Kaagad akong natigilan. At hindi agad naka-galaw. Nang matauhan ako ay dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.
Umawang ang labi ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay parang napugto ang hininga ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. O ayaw kong paniwalaan.
"A-anong... A-anong ginagawa mo? Bakit..." hindi makapaniwalang tanong ko at napa-lunok.
"I told you. You shouldn't helped me that day." Malamig niyang sabi. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, pero hindi sa ibang dahilan, kundi dahil sa kaba.
YOU ARE READING
In Love With The Demon (Hudson Series # 2)
Action(COMPLETED) #Hudson Series #2 Zabien Miguel Hudson, promised that anyone who woud dare lay a finger on Morgianna Mirthyl Creus, will face death. A war will declare and he will raise hell for them to rot in the depth of the ground. Shall he rot hims...