Chapter 3

50 8 0
                                    

#ILWTD CHAPTER 3

"Ms. Creus! Are you listening?!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat. Lagot! Si Zab kasi e! Bakit ba kasi araw-araw siyang gwapo? Yan tuloy, nahuli akong nakatingin sa kanya! Hindi naman sa literal na nahuli akong tumitingin sa kanya, kasi sa bintana naman kasi talaga ako tumitingin kung kailan ako tinawag ni Dra. Marquez.

"Yes Dra!" Sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Oh my God!

"If you really listening, what did I told you all? What are I'm explaining with?" Tanong niya. Tumayo ako. Nakikinig naman talaga ako.

"Were going to do the Internal Medicine Dra." Sagot ko. Kahit pa nasa kabilang building yung mga mata ko, nasa room naman yung tenga ko no!

"Marami pa akong sinabi, hindi lang yan, Ms. Creus." sabi ni Dra. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Lahat sila nakatingin sa'kin. Hinihintay ang kung ano mang salita ang lalabas sa bunganga ko.

"Ahm... Internal medicine is really about seeing patients, writing progress, and rounding on them with the attendings. The one crappy thing about the rotation was the documentation. For example, the doctors wanted a hand-written list of current medications on the progress note. This could take a long time to write if the patient is on 50 different drugs." Sagot ko. Sana naman tama. Halos magkapareha yan sa sinabi ni Dra. kanina. Mukhang may follow up question pa ata siya.

"And what is that to you?"

"To me, documenting whatever is already in the system into hand written form is a waste of time." I was just being honest here. Sayang lang talaga yun sa oras. Pero kung gusto mo talagang matuto, wala ka dapat reklamo. Buti naman satisfied na si Dra. sa sagot ko.

"Next time, sa akin ka lang tumingin, hindi yung kung saan saan. You can sit now."

"Yes Dra. Thank you." sabi ko at umupo. Pinagpawisan ako dun ah! Grabe, alam 'kong mabait si Dra. Pero nakakakaba talaga siya minsan. Baka kasi babaan yung grade ko e!

"Yan, sige ulitin mo pa yan M!" Napalingon ako kay Arah nung nagsalita siya. "Nabubuwisit na ako, M, ha! Kapag oras ng klase, ialis mo muna sa utak mo yang Zab mo!"

"Sorry na! Kailangan ko nga ng inspirasiyon diba?!" Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Inspirasiyon ka ba?" Sandali akong natahimik. Grabe naman 'to makapagsalita! Wagas! Tagos hanggang buto ko.

"Ha-ha! Makinig na tayo Arah." sabi ko. Inirapan lang ako ng gaga! Hmp!

Nakinig nalang ako ng mga pinapaliwanag ni Dra. tungkol sa gagawin namin na Internal Medicine. Hayy! Pupunta na naman kami sa lab para dito. Tapos mag susuot ng Lab gown. Ang init init e! Pero kiber lang! May aircon naman.

Lumingon ulit ako sa bintana para tignan siya. Hindi siya nakatingin sa prof niya. Nakatingin lang siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Ang saya sana kung ako yun e! Pero sino 'bang niloloko ko? Malamang sarili ko lang! Magpakilala kaya ako? Hayys baliw na ako! E, basted na nga agad yung papalapit palang na mga babae. Ni hindi pa nila nasasabi ang pangalan nila, nilalagpasan na sila ni Zab. Habulin din kasi yun e! Ang dami ko ngang karibal. Pero 'wag nalang! Ayoko nalang magpakilala. Takot ko lang ma basted no! Mabuti nang ganito. At least hindi ko alam kung, may pag-asa ba ako o wala.

Hindi naman kasing masamang umasa! Lalo na kung mahal mo talaga! Pero kung masakit na, tumigil ka na!

Pero ako?

Hindi ako titigil.

Hayy! Bakit ba kasi mahal na mahal kita Zab? Marami namang iba! Pwede naman si Zed! Char! Kay Riebecah yun e!

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now