Chapter 33

7 3 0
                                    

# ILWTD CHAPTER 33

"Marry me."

Pakiramdam ko nabingi ako nang sabihin niya yun. Not literally deaf, pero yung feeling na, tumahimik yung paligid. Dumilim at the same time, na parang nasa isang kwarto ako, na walang kahit anong butas. Mag-isang iniisip ang mga nangyari at sinabi niya. Pero ang katotohanan, ang kwartong yun, ay ang isip ko. Parang nakulong ako sa sarili kong mga iniisip.

I'm now completely believing the book I studied. Na sa sobrang dami mong iniisip at parang sasabog na sa dami ay nakakabaliw.

Hindi pa naman ako baliw, salamat kay God. Hindi ko rin hinihiling na mabaliw, pero pakiramdam ko, I'm already insane!

Mas binaliw pa ako ng mga salita ni Caezar na hindi ko matukoy kung seryoso ba o hindi. Ang gusto ko nalang ay suntukin siya. And so I did.

"Fuck you!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.

Matatalim ang tingin at nag-iigting ang pangang ginalaw niya ang ulo niya na tumabingi dahil sa suntok ko. "Why did you hit me?" nanggigigil niyang tanong sa'kin.

Mas sinamaan ko pa siya ng tingin. "Thats for everything, today. Kulang pa nga yan. And, are you serious? Why would I marry you?" to be honest, gustong-gusto ko na siyang sakalin. Pero hindi ko magawa, dahil alam kong hindi niya yun hahayaang mangyari.

"You think, I have time to joke around? Of course, I'm serious!" he firmly said with his dagger eyes. He took a deep breath, and continued. "If you are my wife, they can't touch you. That's the better way to certain your safety."

Pinangilabutan ako sa sinabi niya. Sinigurado ko na makikita niya ang paglukot ang mukha ko, dahil sa sinabi niya. Napangiwi siya na parang nakita ang pagka-disgusto sa itsura ko. Dapat niya lang malaman yun. Na wala akong planong sabayan ang trip niya.

Marriage is serious case. I can't just marry anyone, because it is a lifetime. Kaya sisiguraduhin kong magpapakasal ako sa taong gusto kong makasama habang buhay. And he's definitely not the one. Hindi ko siya gugustuhing makasama habang buhay, dahil lang sa nasisiguro na walang makakapanakit sa'kin kung asawa niya ako. I'd rather take the pain, they'll give, than be with someone I don't want.

I know this is rude, pero sigurado akong wala rin siyang paki-alam sa mga pinagsasabi ko, dahil ginagawa niya lang naman ito para makuha ang gusto niya. He said, he will do anything, 'everything' for 'her'. At isa 'to sa pagsasakripisyo niya para sa babaeng yun. Well, kung siya, parang laro lang ang paga-asawa, pwes, sa'kin hindi.

"Oh, please. Shut up. Kahit kailan, hindi ko naisip magpakasal sa isang tulad mo." sabi ko sabay irap sa kanya.

He looked offended, pero umismid siya pagkatapos. "So, you would rather marry a man, who's more cruel?"

"What?"

"Nothing." he rolled his eyes on me too! Huh! I can't believe it!

"Hoy, attitude mo ha!" sigaw ko.

Lukot ang mukhang tinignan niya ako. "Are you really talking about attitude now? How about your attitude, Creus?"

Napa-awang ng malaki ang bibig ko. Goodness! He is really something! I can't believe we're fighting about nonsense at this moment. Seryoso kaya ito! Kinidnap niya ako—well, kung masasabi ba talaga yung kidnap kasi sumama naman ako, ng hindi man lang nanlaban. Pero, nasa seryosong sitwasiyon parin kami.

Walang kasiguraduhan ang kaligtasan ko dito, kahit pa kasama ko siya. Wala akong tiwala sa kanya, kaya naiinis din ako sa sarili ko kung bakit basta-basta nalang akong sumama. He told me earlier that he can't promise my safety, that's why I'm scared. Mukha lang akong hindi natatakot, pero sa loob-loob ko, nagda-dalawang isip na akong tumuloy.

In Love With The Demon (Hudson Series # 2) Where stories live. Discover now