CHAPTER 14

346 11 0
                                    

Chapter 14

-

-

-

-

-

EVERYONE are busy preparing for the finals, and so am I.

Nagagalak man sa nalalapit na pagtatapos ng school year kong ito hindi ko maiwasan ang malungkot sa kaalamang hindi ko na makikita ang Professor slash crush ko. Although, gusto ko nang maka-get over sa kanya, correction, Im on the process of getting over him but hindi ko pa rin maiwasang maisip na sana ay masilayan ko pa rin siya sa araw araw na ibinigay ng Diyos. Kaya nga itinatakwil ko talaga sa aking isipan ang parteng iyan ng buhay ko.

Nagtagal pa ang araw at wala na talaga akong nakikita ni anino ni Dreq at marami rami na din akong naririnig na mga usap-usap tungkol sa kanya na sinisikap kong balewalain.

It's been a week or two when I last seen Dreq but I just don't care. Advantage ko na din yun, to easily move on and I guess I already did. Just a guess though.

Nagtataka man sa pagkawala ni Dreq sa school ay hindi ko na iyon ininda pa. Marami akong kailangan isipin at hindi siya kasama sa dapat ko pang problemahin.

Isa pa sa naririnig kong mga balita ay ang hindi niya raw  pag file ng resignation at hindi rin naman siya tinanggal sa trabaho. Kung ganoon nga ang nangyari bakit hindi na sya pumapasok para magturo? Wait, I thought I don't have time to even think of him so what the hell is this Phoebe?

"Mag tatatlong linggo na ding wala si professor Dreq, hindi naman sa bias ako pero mas gusto ko siyang guro kaysa kay professor Dimalibot." Rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko.

"Sayang nga e, si prof din dahilan ng pagsisipag kong pumasok."

"Nakakabroken naman itong pag alis niya, siguro ay ikakasal na talaga siya pero bakit naman hindi siya nag file ng formal resignation? hindi rin siya sinesanta ano kayang problema? or baka tumakbo na iyon at nagtago dahil ayaw pakasal doon sa fiancee niya?" Anas pa nito at saka nagtawanan.

I eavesdrop to their stupid and nonsense conversation about Dreq's whereabout but they did not satisfy my thirst on Dreq's issue.

"Anong nililiyad liyad mo diyan Rusiaña?" Hampas ni Kent sa likod ko.

Saka ko lang napansing halos kalahati ng katawan ko ay nasa tapat na ni Kent at ang puwetan ko ay nakaangat na sa upuan.

"Nag-uunat ako hindi naliyad." Mataray na saad ko bago umupo ng maayos sa upuan.

"Sabi mo e. Pero alam ko namang kuryoso ka kung anong ganap kay Prof..." Anas nito sa pabitin na paraan.

I rolled my eyes to him and face the white board. Kinulit kulit pa ako ni Kent pero hindi ko na siya muling pinansin.

Now, I am pre-occupied and Dreq is the reason why I feel like floating right now. Akala ko ba move on na mhie? Ano itong palutang lutang na ganap ko?

Natapos ang araw at napagdesisyunan naming magkakaibigang gumala, at first nagdalawang isip ako kung sasama pero heto at sumama na nga ako. Ayoko munang umuwi sa bahay dahil kahit anong sabi ko sa sarili kong hindi ko na dapat pang isipin at alalahanin si Dreq ay hindi ko naman maiwasang hindi siya matanggal sa isipan ko lalo na kapag nag-iisa ako.

"Watch tayo ng movie, sa SM Bacoor nalang huwag na tayong pumunta pa sa malayo, Magtatanggal lang naman tayo ng stress." Anunsyo ni Kent.

Cris and Kent didn't bring their car, So they suggest to commute but I reject it.

"I also did not bring my car, Taki has his car so why can't we ride his car? kasiya naman tayo." Anas ko.

"Masikip." Tanging sinabi ni Taki.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon