PROLOGUE

2K 30 0
                                    

Prolouge

"It's nice seeing you here miss Phoebe Rusiaña Compestella." A baritone voice whisper my whole name on my left ear. I got startled because of the familiar voice and when I turned in my left I saw the tantalizing almond eyes of my hot professor Jemineah Dreq Rocell.

P*tangina ano namang ginagawa ng professor kong ito dito sa bacolod?

"You looked shock Rusiaña." Anas nito sa napapaos na boses.

Aba't inaakit ba ako ng gagong to? Pag nasa school kung kausapin ako akala mo nasa kabilang bayan ang kausap at laging nasigaw. Kulang nalang ilagay niya ako sa isang lata at doon pagsisisigawan para mabingi na ako sa lakas ng boses niya tapos ngayon may papaospaos siyang nalalaman?

Nasa isang resort kami sa Bacolod kaya nakaupo ako sa buhanginan sa tapat ng dagat. Nakasuot ako ng red beach dress na balot na balot naman ang buong katawan ko. Everytime na kasama ko ang pamilya ko kailangang isa akong dalagang pilipina kung hindi baka murahin ako ng tatay ko kahit hindi naman talaga siya nagmumura.

"Do I? Bakit naman ako magugulat sa presensiya mo Dreq, ano ka ba pornstar na nakahubad sa harapan ko?"  Mataray na tanong ko.

Saka ko siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at talagang napanganga ako. Literal na nakanganga ang bibig at bukas na bukas ang singkit kong mga mata. Paano ba namang hindi? Simula ng tumuntong ako ng 3rd year college at maging professor ko itong lalaking ito first time kong makita ang half naked nitong katawan. Potek naman Oh pag ganitong may family gathering at nasa paligid ko lang ang pamilya ko sana naman wag siyang naggaganyan. Alam naman niyang gusto ko siya tapos ganito? Torture! But I need to stop myself paghinarot ko ito at nakita ng nanay ko baka makurot ako non sa singit kahit hindi naman nananakit ang nanay ko.

I compose myself and look away. So far away on my left side. Later tonight kailangan kong magrepent sa kalaswaang nakita at inisip ko kanina.

"Anong nangyari sayo? Pagkatapos mong pagpyestahan ang toned abs and biceps ko titingin ka lang sa malayo? Naenjoy mo pa nga ang V line ko. Bakit parang ang inusente mo ata ngayon ms. Compestella?" Tanong nito at talagang lumiyad pa para makalapit ang mukha niya sa mukha ko? O bakit ang mischievous naman ata ng ngiti nito?

"Pwede bang lumayo ka sa akin? Hindi kita bet ngayon." Pagtataray ko nanaman at tumayo na kahit kinilig naman talaga ako sa ginawa niyang paglapit.

"You still, I guest. Akala ko hindi ikaw si Rusiaña dahil sa suot at ayos mo pero sa sinabi mo nakasiguro nga akong ikaw nga iyan." Saad nito at tumalikod na sa akin.

What's that? Lalapit-lapit sa akin tapos tatalikuran din ako? Ano ba ang ginagawa ng lalaking yun dito? Paano ko siya mahaharot kung nasa paligid ang angkan ko? Jusko naman Dreq kung kelan half naked ka na kung kelan nakalantad ang maganda mong katawan saka naman ako dapat maging banal. Ano ba namang buhay ito oh! Pano ko ba makuha ang pakipot at hard to get  na lalaking yon?

"Hija ano pang ginagawa mo diyan? Maghapunan na tayo." Narinig kong sigaw ni Nanay mula sa malapit na restaurant. Agad naman akong tumalima dahil nagutom ako sa abs ng professor ko este sa kapaguran pala.

_____________

"DENGDENG" tawag ko sa pinsan kong kasama ko sa hotel room.

"Hmm?" Ungol nito dahil nga sa nakatulog na siya.

"Lalabas ako ah wag mo sabihin kila Nanay kundi kokonyatan kita." Nagmulat ito at nanlaki ang mga mata hay nako matino pala itong batang to bawal akong magsalita ng mga hindi kaaya-aya. "E! Basta mag s-star gazing lang ako sa beach side." Paalam ko at nagtuloy ng lumabas.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon