CHAPTER 44

354 11 0
                                    

Chapter 44

*****

"PINAGALALA MO AKO." Bungad ni Dreq ng pumasok ako sa bahay.

Naroon siya at nagpalakadlakad sa tapat ng aming front door. Pawis na pawis at hinihingal pa. Napagod ata sa paglalakad.

"Bakit ka naman magaalala? nagpark lang naman kami ni Gwyndel." Anas ko at nagtuloy sa aming sala nandoon na si Phoenix at masama ang tingin sa akin.

"Tigilan mo yan. Huwag ka ng magalala, tinulangan na kita para di kana lapitan ng babaeng yon. Naku bagay sila nung nakilala naming papi sa bar. Akalain mo hapon na hapon may open na bar? At marami agad pogi, matured at yummy." Bumubungisngis na pangaasar ko kay phoenix.

Lalong nanggalaiti ito sa akin at nagmamartsang naglakad paakyat sa aming hagdanan. Nilingon ko si Dreq ng nakangiti. Umiiling ito at pinitik ang ilong ko. He knows, I'm tripping with Phoenix.

"Bad. You are such a bad babe." Bulong nito at niyakap ako, nanatili ang mga kamay niya sa aking likod at nagkatitigan lang kami.

"Hindi ko pinahihintulutan ang landiang iyan dito sa pamamahay ko." Bitter na saad ni Tatay at prenteng umupo sa sala habang nasimsim ng kanyang kape.

"Alis na ako. Behave babe don't spin my head please, behave." Utos nito.

Hinalikan niya ako sa noo at sa labi bago hinarap si Tatay para magpaalam. Sinadya niya pa si Nanay sa kusina para makapagpaalam dito.

"Dito ka na maghapunan Dreq. Marami akong inihanda ngayong gabi." Pagaya ni Nanay.

"Salamat po." Tipid nitong sagot.

Hinatid ko siya sa sala at doon iiwan para makapagpalit ako ng damit.

"OH, bakit hindi pa iyan umaalis?" Inis na tanong ni Tatay.

"Dito siya maghahapunan sabi ni Nanay." Tanging sinabi ko bago sila iwang dalawa.

Pagkababa ko at pagtungo sa dining ay kumpleto na sila ako nalang ang kulang. Umupo ako sa kaliwang bahagi ni Tatay, magkatabi kami ni Dreq. Sa tapat ko naman ay si Nanay habang si Phoenix ang katapat ni Dreq.

"Dahil may bisita tayo ngayong hapunan, siya ang magdadasal sa ating pagkain." Maawtoridad na suhestiyon ni Tatay.

Napabaling sa akin si Dreq at parang hindi alam kung paano magdasal. Impit akong napatawa na mabilis kong pinigilan ng tumikhim si Tatay.

"Hindi ka marunong magdasal hijo?" Mapanuyang tanong pa ni Tatay.

Mabilis na umiling si Dreq at pinaglapat ang mga kamay at pumikit.

"Dasal na po t-tayo." Nautal na paanyaya nito. "Glory to God. Salamat po sa pagkain.... tunay na dakila ka.... amen." Pahinto hintong dasal nito.

Nagsign of the cross pa siya at napatanga ng makitang hindi namin ginawa iyon.

"Sorry po." Usal nito.

"Ayos lang hijo, magkaiba lang tayo ng relihiyon pero iisa lang ang Diyos na pinapupurihan natin." Mahinhin na paliwanag ni Nanay.

Tumango lang ulet si Dreq at nagsimula ng kumain. Napapangiti ako habang nakikita ko kung gaano siya kagana kumain.

"Hindi ka ba pinapakain sa inyo Hijo?" Nagaalalang tanong ni Nanay.

"Hindi po nakakakain ng lutong bahay. Puro po kase ako order, Marunong naman magluto pero walang time kung minsan kinatatamaran nalang." May lamang sagot ni Dreq.

"Kung ganoon kailangan ko ng turuan kung paano magluto itong babae ko, Pili lang kase ang mga naluluto nito e." Natatawang saad ni Nanay.

Nasamid naman ako at kinabahan ng hampasin ni Tatay ang lamesa.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon