CHAPTER 9

378 10 0
                                    

Chapter  9

-

-

-

-

-

'ELEMENTARY pa lang napapansin na nila,
mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi,
imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens'

Inis akong bumaling kay Phoenix ng pahintuin niya ang kanta, nilingon naman ako saka ngumiti at dinugtungan ang awitin.

"Napakalayo sa paguugali ng ate ko. Kase nung elementary palang siya ay napaka-girly niya na, hindi nga naglalaro ng chinese garter sobrang dami namang barbie doll." Biglaang saad ni Phoenix ng pahintuin ang kanta na wala namang kwenta.

'Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin,
nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi- Curious na babae na ang hanap din ay babae,
sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara, Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta'

"Ayun lang Moira allergy si ate sa mga sigang lalaki lalo na sa mga tambay sa kanto, isa pa allergy din ito sa bisexual dalawa pala kami. Ito na yung panahong humarot si ate, noong highschool nga itinago niya sa parents namin na pokpok siya ay este malandi siya manamit ay mali pala yung term sexy pala siyang manamit. Jusko ate dapat etong kanta ni Moira gayahin mo e. Dapat boyish lang tapos pag may prince charming ka na saka ka na mag bestidang pula." Pang-aasar ni Phoenix sa akin ng muli niyang pi-nause ang kanta.

Linggo ngayon at hapon na ay nasa pool side kaming dalawa at nakatambay. Pagkauwi na pagkauwi namin galing simbahan ay nagbihis kami ng swim wear at dito na dumiretso. Kakatapos lang naming mag swim kaya nagpatugtog siya sa kanyang bluetooth speaker at ang ending ito, iniisa-isa ang lyrics at ikinukumpara sa buhay ko. Hindi naman kritiko.

"Manahimik ka diyan kung ayaw mong  basagin ko ang PSVita mong minamahal mo." Inis na singhal ko at isinuot ang sunglass ko at nahiga na ng lounge.

"Awit naman non te? I am just stating the fact here!" Ungot niya pa.

"Fact, fact-in ko yang mukha mo!" Asar na anas ko.

"See? you even speak bad words. Sa buong bahay na ito ikaw lang ang nagmumura." Namilosopo pa ang bruho.

"Kailan pa naging bad words ang fact Phoenix? Bobo ka talaga!"

"Oh umisa ka pa, minaliit mo ang pagkatao ko hindi tayo pinalaking ganyan!" Kunway histerical niyang hiyaw.

"Phoenix parang bata..... marinig ka nga ni Nanay malilintikan tayo!" Suway ko.

"Plastik mo." Tatawa tawang saad nito bago tuluyang umalis at iwan akong nanggagalaiti.

Sinubukan ko pang ihagis sa kanya ang magazine na hawak ko ngunit hindi rin naman siya inabot. Tumayo na lamang ako at saka muling lumublob sa pool. Taong gigilid lang ako dahil hindi naman talaga ako marunong lumangoy, marunong man sisid sirena lang ngunit pag-angat nasa ganoong lugar pa rin naman ako, ni hindi man lang lumalayo kahit isang metro. After ten minutes na pagbababad sa pool napag desisyonan ko ng umahon. sinuot ko ang roba ko bago nagtungo sa loob ng bahay paakyat sa kwarto ko. Nang makapagbihis ako ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nahiga sa kama kahit basa pa ang buhok kong nakabalot sa twalya.

"Ano kayang name ni Sir sa facebook?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang naglalog-in ako ng aking fb account.

Nang makalog-in na ako ay pinindot ko agad ang search button at itinipa ang pangalan ni Sir Dreq na Jimeniah Dreq bago pinindot ang search. Nadismaya ako ng walang lumabas na Jimeniah Dreq na inaasahan ko maliban sa ibang tao. May bakla pang ang pangalan ay Jimeniah Dessa, Jusko meron pang Anthony Dreq na ang hitsura ay parang adik sa kanto na tinubuan ng mukha sa dami ng tattoo sa katawan. Mahigit kalahating oras na akong naghahanap ng facebook account ni Sir Dreq pero wala talagang lumalabas kaya naman lumipat ako sa twitter at doon hinagilap ang pangalang Jimeniah Dreq at inabot lang ako ng tatlong oras na hindi pa din natatagpuan ang account ni Sir Dreq sa twitter.  

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon