CHAPTER 10

484 10 0
                                    

Chapter 10

-

-

-

-

-

"MIRROR mirror on the wall, who's the man.... Ano nga ba ulet yung chant na iyon?"  Tanong ko sa sarili ko sabay ng pag-ihip ko sa kandila para mamatay ito.

Alas dose na ng gabi at heto ako sa tapat ng kabinet ko kung saan mayroong salamin at kanina pa binabanggit ng paulit-ulit ang chant na iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko naman maalala ang mga salitang nakapaloob doon.

"Tsk. pake ko sa chant na iyon ang mahalaga ay alam ng puso't isip ko na si Dreq ang para sakin." Bulong ko sa sarili ko. Talo ko pa ata ang bibe sa haba ng pagkakanguso ko.

Iba na talaga itong nararamdaman ko. Hindi ako ganito dati pero ngayon nananaginip na ako ng gising, may nalalaman pang mirror mirror on the wall na sa mga pelikula at fairy tales lang naman nangyayari, at talagang kinarir ko ang pagbabasa ng mga romance novel sa loob ng isang linggo tapos ang mokong na Dreq na iyon ay hindi lang ako pinapansin at talagang ipinapakita sa akin ang kaharutan nila ng belia na iyon, or whatever that girl name is. I dont care! Humanda siya pag ako talaga natapos na sa training kong How to get your crush attention and heart  iyak ang babaitang iyon.

Hays, ilang taon  na nga ba ako at bakit napaka childish ko?

Nagtungo na ako sa kama at doon humilata.

"'ehe.... ene be?' Ay punyeta saan ba galing ang ganitong salita? napaka-pabebe" Inis na usal ko matapos mabasa ang sinabi ng babae sa ngayong binabasa kong libro.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa para sa tips na nais kong makuha para sa ikatatagumpay ng nais ko, ngunit dahil sa nakakakilabot na kilig moment na nabasa ko ay naihagis ko ang libro at parang bulating nangisay hindi dahil sa kinilig ako kundi dahil sa nagccringe ako sa nabasa.

"Kasalanan ito ng pabebeng Dreq na iyon! kung hindi siya nagiinarte hindi ako mag ccringe ng ganito kakabasa ng romance stories." Pagkausap ko sa sarili ko at pinulot ang nahagis na libro para muling magbasa.

Nababaliw na talaga ako. Baliw na ako.

KINAUMAGAHAN nang magising ako ay napagtanto kong nakatulugan ko na pala ang pagbabasa kagabi.

Mabilis akong bumangon at kinuha ang libro para ilagay ng maayos sa lamesa saka nagtungo sa banyo upang masimulan ko na ang pag-aayos para sa pagpasok ko.

makalipas ang halos mag-iisang oras ay nakalabas din ako sa banyo na ayos na ayos na.

"O? buti at gising ka na ate, bilisan mo ng bumaba ng makakain na tayo ng sabay sabay." Bungad ni Phoenix ng buksan niya ang pinto ng kwarto ko at naabutan akong nag-aayos ng bag ko.

"Mauna ka na doon, bababa na rin naman ako." Sagot ko na agad nitong sinunod.

Bago tuluyang bumaba ay kinuha ko ang cellphone ko para ma-dm ko si sir Dreq.

{'Morning  Sir ::))' ~PhoebeRuuuus}

Matapos kong mapindot ang send button ay nilagay ko na sa bag ko ang cellphone saka tuluyang lumabas sa kwarto. Katulad ng nakasanayan, sabay sabay ulet kami ng pamilya ko kumain at ako nanaman ang nagdasal.

Pagkatapos namin kumain ay sinabihan kami ni Tatay na ihahatid niya kami kaya heto ako sa backseat ng hiace van na dala ni Tatay at nakatitig sa cellphone ko na nakabukas ang IG at naghihintay sa reply ni sir Dreq na imposible atang mangyari dahil kahit seen wala, nakarating na rin ako sa school at nakababa na sa van ay wala paring reply ang lalaking iyon.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon