CHAPTER 36

280 8 0
                                    

Chapter 36




*****

MATAPOS ang drama namin ni Tatay sa labas ay sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Nang mag tanghalian ay sabay sabay din kaming kumain. Ramdam ko ang tuwa ni Nanay habang naghahain sa amin. Kita ko din ang ngiti ni Tatay. At this time I should feel awkward towards them but I don't really felt that way. One thing is for sure, I am truly happy and my heart is overflowing with joy.

I feel so special, ramdam na ramdam kong masaya silang bumalik ako. Siguro nga mali ang desisyon kong sumunod kay Tatay noong pinapalayas niya ako. Nagsisisi tuloy akong binigyan ko sila ng major pagaalala dahil sa hindi nila matunton ang kinaroroonan ko.

Ang mga magulang talaga ay bungangera, Hindi naman bungangera palagi ang mga magulang ko pero kapag may mali ako, at ang kapatid kong nagawa, Walang katapusang sermon ang natatanggap namin kay Nanay at Tatay. Pero sa dulo ng mga tagos sa puso at pride na mga paalala at babala nila isa lang ang gusto nilang maintindihan naming magkapatid. Na walang ituturong masama ang magulang sa kanilang mga anak.

Tama nga si Dreq, nababaliw na ang Tatay ko kakahanap sa dalaga niya. Tipid akong napangiti ng muli kong maalala si Dreq.

"Nako anak, halos isang linggong hindi umuwi itong Tatay niyo mahagilap ka lang. Nainis pa ako ng sabihin niyang pati sa mga motel ay nagtanong tanong siya. Kung hindi ba naman siraulo!" Inis na kwento ni Nanay.

Imbis na sa kwento niya tungkol kay Tatay at sa paghahanap nito sa akin ako mabigla ay sa pagmumura niya ng siraulo ako napatameme.

"Alam kong hindi ka din makapaniwala anak." Anas ni Nanay akala niya siguro ay duon ako nabigla.

"Hindi ko maisip na papasok ka sa ganoong lugar, nabaliw lang talaga itong Tatay niyo." Umiiling-iling pang saad ni Nanay.

"Sa Sogo po ako namalagi ng isang araw." Pag-amin ko pa.

Nanlaki ang mata ni Nanay at nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Walang pagpipigil nitong hinampas si Tatay ng malakas.

"Tignan mo ang ginawa mo! ang anak ko." Umiiyak nitong hayag.

Mabilis naman siyang niyakap ni Tatay at bumubulong  na hindi naman namin marinig ni Phoenix. Napangiti ako sa simpleng ginawa ni Tatay na alam kong nagpakilig kay Nanay dahil sa mabilisan nitong pagtigil at pamumula.

"Nay huwag ka ng umiyak, isang araw lang naman iyon. Ang mga sumunod na araw ay sa condo na ng kaibigan ko." Nakangiting saad ko.

"Sinong kaibigan ate? lahat ng kaibigan mo kinulit ko na pero hindi din naman nila alam kung nasaan ka." Takang pagsingit ni Phoenix.

"Oo nga hija, sino ang kaibigan mong hindi namin kilala?" Taka ding tanong ni Tatay.

Napakamot ako sa aking ulo. Dahil sa kontrol ang paglabas ko bilang lang ang kaibigan ko at lahat iyon kilala ni Tatay. Pati nga pamilya ay kilala nito.

"Kaibigan ko Tay noong third year ako. Hindi kami super close nagkataon lang na nakita niya ako at nalaman ang sitwasyon ko kaya naman bukas palad siyang tumulong sa akin." Naantig din ako sa gawa-gawa kong kwento.

Aba't pinanindigan ko talaga ang pagiging sinungaling ko sa aking mga magulang. Bawas points nanaman ako nito sa langit.

"Kung ganoon ipakilala mo siya sa akin ng makapagpasalamat ako sa kabutihan niya." Anunsyo ni Tatay na ikinabato ko sa aking upuan.

"Ah, ano kase Tay umalis na siya ng Pilipinas kaya nga bumalik na ako." Nakayukong sagot ko.

Bawas nanaman ng points sa langit. pakiramdam ko isa nalang na pagsisinungaling ay talagang sa impyerno na ang final destination ko. just great!

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon