CHAPTER 27

300 10 0
                                    

Chapter 27






"MISS VP totoo po ang sinabi ng president, marami pong media ang nasa baba. Nakita ko nga din yung sikat na reporter mula sa My World Magazine," Nag-aalalang tanong ni Heo.

Nagpintig ang taenga ko ng marinig ko ang huling sinabi ni Heo. MWM Reporter Bling is well known on making gossips not only just a simple one but a hot and controversial topic. Why not, She is way over commenting in people's lives she is covering.

"Ang OA naman ng mga taong ito, wala naman kaming ginagawa ni Xifer, nag kasama lang big deal na?" Inis na sabat ko.

"Kase naman Miss VP, mangdedate ka nalang ng lalaki yung sikat na model pa sa paris at new york. Mayaman pa, nag-iisang tagapagmana." Puri ni Heo kay Xifer.

Mariin kong tinitigan ang aking sekretarya na imbis kampihan ako, sinisisi pa ata ako sa naging sitwasyon ngayon.

"Hindi kami nagdate okay, natulog lang kami sa iisang villa." Walang prenong saad ko. Wala naman kaseng dapat na itago dahil ayon naman talaga ang nangyari.

"Naku, Miss VP hinay hinay sa sinasabi mo mamaya marinig ka ng Chairman. siguradong hindi matutuwa iyon," Nag-aalala muli nitong saad.

"Walang dapat ipag-alala Heo natulog lang talaga kami non," Paninindigan ko.

"Gagawa po ako ng paraan para makaalis kayo dito ng walang aberya at panggugulo ng mga reporter," Paalam ni Heo bago ako iniwan.

"Mga reporter talaga ang tsitsismosa!" Inis na saad ko sa kawalan.

Ever since forever, reporters are always tailing my family. Kaya nga nag lie low ako sa mga professional at elites gathering na sinasaluhan nila Tatay at Nanay dahil hindi ako natutuwa sa mga pa-red carpet na ganap at interviews.

Because I am curious to what people's thought about my hot issue with Xifer I visits some dispatch to personally read the other articles and comments.

Napapatawa pa ako kapag may nababasa akong pumupuri sa visual namin ni Xifer, nagsasabing bagay kami, na mukha daw na matagal na kaming magjowa at kung ano ano pa. Dami nilang alam, mga wala namang basehan.

Kabaligtaran naman ang reaksyon ko tuwing may mga masasamang komento akong nababasa katulad ng pariwa daw ako, walang boundary sa sarili, I look like a bitch, worst some commented I spell some black magic to Xifer.

Like what the heck? How can I do such thing? is it even existing? Kung meron lang spells na ganoon sana nagamit ko na kay Dreq noon. Hmm, another bullshit thought again huh.

Hindi magkamayaw ang irap at ungot ko dahil sa masasamang komentong nabasa kaya padabog kong tinaob ang cellphone ko at humingang malalalim para pakalmahin ang naiinis ko ng damdamin.

Kusa ko ring sinalinan ng tubig ang baso ko mula sa pitsel bago ito marahas na ininom. I am used to be linked and issued to some boys but not in this big scope of gossips! This scoop is insane!

"Kung makapang-husga sa akin akala mo naman kilala ako! bwiset!" Inis na hiyaw ko sa walang kamalay malay at inosenteng hangin.

"Ang tagal naman ni Heo gusto ko ng umuwi," Sakto pagtapos kong sambitin iyon ay ang pagpasok nito.

"Miss VP pwede na po kayong umuwi. Kung magtatagal pa kayo dito ay maiistorbo ang mga employado niyo. Kaya pinapasabi ng president na sa main entrance ka dumaan para makita ng mga reporter." Imporma ni Heo sa akin na kinakunot ng noo ko.

"Ayoko doon Heo, masiyadong mapang-agaw ng pansin." Kontra ko.

"Ayun ang utos ni President Miss VP para aware ang reporter na umalis kana at ganon din ang gawin nila kalaunan." Paliwanag pa nito.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon