CHAPTER 11

369 11 0
                                    

Chapter 11

-

-

-

-

-

"NASIRAAN tayo." Hayag ni Dreq bago mabilis na bumaba sa kotse.

Sumunod ako sa paglabas niya at tinungo ang likuran kung nasaan siya at bumungad sa akin ang flat na ngang kaliwang gulong sa likod. Hindi man lang namin naramdaman na nagflat na pala ang gulong.

Diba dapat naputok yun? Ay ewan! Bakit kase na flat pa.

"Badtrip! We don't have a spare wheel to change this." Napakamot sa ulong imporma nito sa akin.

Paikot ikot naman itong naglakad na animo'y hindi malaman ang gagawin.

"Pano yan? anong oras na, magagalit na ang Tatay ko." Kabadong anas ko na kinalingon nito sa akin.

"Can you stop acting like that?" He hissed.

"Paano ba ako umakting at galit na galit ka diyan?" Gulantang na tanong ko. Hindi naman kase ako nagdadrama, fyi, legit itong scheme ko.

"Pumasok ka nalang sa kotse wala ka rin namang matutulong dito. I'll just going to re-check the wheel before calling a nearest autoshop." Utos nito na sinunod ko nalang. Maigi ng hindi kami magkaharap dahil nag-aaway lang din naman kami.

Wala ako sa mood para samahan siya sa labas kaya mabuti pa ngang nasa loob ako ng kotse. Kainis siya ano bang mali sa sinasabi ko? totoo naman iyon, baka kase mag-alala ang Nanay at Tatay ko kung mag aalas nueve na ay hindi pa ako nakakauwi. acting daw! for his information it was my pure soul speaking!

"Nakabusangot ka diyan?" Tanong nito matapos nitong ibaba ang hawak na cellphone at umayos ng upo sa driver seat ng makapasok.

"Wala kang pake sa reaksiyon ko, manahimik ka diyan sa tabi kung pwede lang huwag mo kong istorbohin." Asik ko sa kanya at binaling ang tingin sa labas ng kotse. Inis na inis ako! At the same time kabado.

Wala naman siyang sinabi at yumuko lang sa manibela. Ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin siyang kibo kaya naman minabuti ko nalang na lumabas sa sasakyan.

Pumwesto ako sa likod at doon sumandal para mag cellphone pero ang ending inilagay ko lang iyon sa aking bulsa at marahang sinipa sipa ang buhanging nasa kalsada dahil sa nawalan din ako ng ganang kalikutin ang cellphone ko.

Hindi ko keri ang atmosphere sa loob nakakabobo siya. Matapos niya kong sabihan na tumigil ako sa kaartehan ko sa pagalit na paraan ay tatanungin niya ako kung bakit ako nakabusangot? natutulig na ata siya. At talaga nga naman hindi pa ako kinakausap!

Nagugulahan na talaga ako! I can't comprehend him!

Isa pa! Hindi niya ba alam na nakakabaliw ang katahimikan lalong lalo na at aware kaming dalawa na magkasama kami. Anong sense na magkasama kami kung hindi rin lang kami magpapansinan?

Nababaliw na talaga ako, matapos kong sabihin na huwag niya akong istorbohin at ganito ang nirereklamo ko? Mahirap mang aminin pero minsan napaka-bobo ko din talaga.

"You need help?" Tanong ng kung sinong may baritonong boses na nagpatigil sa pagkausap ko sa aking sarili.

Inangat ko ang tingin ko sa pinanggagalingan ng liwanag na mula sa motor na nasa kanang bahagi ko.
Nang mag-angat na ang tingin ko saka lang hinuban ng lalaki ang kanyang helmet.

Hindi ko man lang namalayan ang presensiya ng motor nito dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Nasiraan ka?" He ask mischievously.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon