CHAPTER 42

480 9 0
                                    

Chapter 42



*****

"UMALIS KA NA HIJO, AYAW NG ANAK KONG MAKITA KA." Rinig kong saad ni Nanay sa kung sino ng magkamalay ako. Actually, it's a no. Gustong gusto ko siyang makita, mahawakan at syempre angkinin. But, Im still not ready.

Baka magalit siya sa akin kapag nalaman niya ang pagbubuntis ko at limang buwan ko ng inililihim. 

Pinili kong manatiling nakapikit para mas marinig pa ang kanilang paguusapan.

"Hihintayin ko siyang gumising Maam." Magalang na sagot ni Dreq. His voice is so sweet, pakiramdam ko hinehele ako ng boses niya.

Dahil sa kanyang sinabi ay saka ko lang naalalang nawalan pala ako ng malay habang inaawat ni Nanay si Tatay matapos nitong pagsusuntukin si Dreq. Kamusta naman kaya ang mga pasa niya? nagamot na ba? okay lang ba siya?

"Hindi pa siya handang makipagusap, intindihin mo sana hijo." Marahang saad pa ulet ni Nanay.

"Hindi po. Kailangan na namin itong pag-usapan." May galang ngunit may diing sabat ni Dreq.

"Aba't! ang lakas ng loob mong siraulo ka!" Mahinang hiyaw ni Tatay.

"Roi, manahimik ka kung wala kang matinong sasabihin!" Inis pang usal ni Nanay kay Tatay.

Para matigil sila ay idinilat ko ang aking mga mata. Sa gilid ng kamang hinihigaan ko ay nakaupo doon si Nanay, si Tatay naman ay nakaupo sa sofa at si Dreq ay nakatayo sa paahan ng kama.

Nang matapos ng mailibot ang aking mga matang unti unting nasanay sa liwanag ng kwarto ay nasiguro kong nasa ospital ako. Tinuon ko ang mga tingin kay Nanay at hinawakan ang kanyang kamay. Agad siyang lumingon sa akin at napaluha.

"Anak." Madamdaming usal nito at dahan dahang tumingin sa aking tiyan.

Kahit wala siyang sinasabi patungkol sa ginawa niyang pagtingin doon ay nanginig ako at kinabahan. Alam na ba nila? Bakit naman kase sa ospital pa ako dinala? pwede namang sa kwarto ko lang.

Dahandahan ang pagbaling ko ng tingin kay Dreq at mas lalo kong naramdaman ang kakaibang kaba.

He now knows!

He look at me with sadnesss, hurt and regret are visible in his eyes, but I can see through it that he is happy. Very happy.

"C-can we talk now?" Nanginginig na pakiusap nito na kinasinghap ni Tatay.

Nilingon ko si Tatay at Nanay, wala man akong sinabi ay napatango nalang sila at parang naintindihan na ang nais kong mangyari.

"Labas na muna kami anak, pagusapan niyo ito ng maigi." Malambing na bulong ni Nanay.

Napangiti ako ng tumikhim si Tatay tanda ng kanyang hindi pagsangayon ngunit tinarayan at hinila lang siya ni Nanay.

Nawala ang ngiti ko ng mapabaling kay Dreq at nakitang titig na titig siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy wala akong karapatang mawala sa paningin niya dahil baka mabaliw siya. Assuming!

"Ano..." Alanganing panimula ko.

Hindi ko na iyon nasundan pa ng kahit anong salita kaya naman nilamon kami ng nakakabinging katahimikan. Bigla akong natakot ng sakupin ng mumunting tiktik na tunong ang aking taenga. May butiki pala sa ospital? hindi ako aware.

Nanatili ang nakakatunaw na titig ni Dreq sa akin at wala atang balak na magsalita. Akala ko ba maguusap kami? natameme naman ata siya?

"A-akala ko maguusap tayo?" Pagsasatinig ko sa aking iniisip. Medyo nahihiya pa ako ng sabihin ko iyon.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon