CHAPTER 33

272 8 0
                                    

Chapter 33




*****

NANGHIHINA ako habang isa-isang inilalagay ang mga damit ko sa aking maleta . Buti nalang at hindi ko pa naaalis sa maletang dinala ko sa iloilo ang mga damit ko kaya naman isang maleta nalang ang ineempake ko. halos lahat din ng alahas ko ipinasok ko na sa bag ko. Ayun nalang ang mapagkukunan ko ng pera dahil binawi na ni Tatay ang credit cards ko at siguradong hindi na ako ang Vice President ng AESPEN Ent.

Isinasara ko na ang maleta ko ng muling bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Tatay. Maluha-luha akong tumingin dito ngunit mas lalo lang tumibay ang paninindigan ng mukha nito na mapaalis ako imbis na maawa si Tatay sa akin.

"Pag labas mo ng bahay na ito huwag mong subukang pumunta kay Kledia para humingi ng tulong kung ayaw mong mawalan ng trabaho ang kaibigan mo. Huwag mo na ding subukan sina Taki, Cris at Kent dahil sinisigurado kong maraming boards member ang mag pupull-out sa mga kumpanya nila." Pananakot sa akin ni Tatay bago padabog na isinara ang pintuan.

Napahagulgol naman ako dahil sa narinig. Now I know the saying that friends can't help you when you are in a tight situation. Paano ba naman nila ako matutulungan kung malalaman nila itong pagbabanta ni tatay. I don't want to cause trouble to their lives, alam kong marami na silang problema at hindi na makakabuti kung dadagdag pa ako.

Nang mapatahan ko ang aking sarili ay agad ko ng hinawakan ang dalawang maleta at lumabas na ng kwarto. Bigat na bigat ako sa bitbit ko pero kinaya ko. Isa-isa ko pa itong ibinaba. Kahit na magkandakuba ako sa pagbitbit ng mga maleta ay walang nagbalak na tumulong sa akin. Lalo namang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa kalungkutang bumabalot sa aking puso.

Agad kong nakita si Nanay sa sala na umiiyak kasama si Phoenix pero wala si Tatay. Hindi ko na pinansin sina Nanay at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas.

"Ate mag sorry ka na kay Tatay, ibalik mo na yang gamit mo sa taas." Habol sa akin ni Phoenix sa main door.

"Nagsorry naman na ako." Hikbi ko.

"Kulang pa ate, dali na kase, huwag kang umalis." Iyak pa nito.

"Doon ka na, mamaya madamay ka pa." Matapang na utos ko, pilit pinigilan ang hikbi para makampante si Phoenix.

Oh my gosh...this is the first time that we experience this heartbreaking scenario in our lives. I never imagine, even in my wildest dream that Tatay can really neglect and throw me out of his life.

"Ate…" Huling sinabi ni Phoenix na inignora ko na. Medyo may kalakasan kong tinabig ang pagkapit ni Phoenix sa braso ko para makalabas ng bahay.

Ayaw kong magalit din sa kanya si Tatay dahil lang sa pinipigil niya akong umalis.

Swerte ko ng halos paglabas ko ng gate ay may paparating na taxi kaya naman pinara ko iyon na agad ding huminto.

"Manong saan ba pinakamalapit na sogo dito?" Walang pag-aalinlangan kong tinanong ng makapasok ako sa backseat. Dahil hindi namang kalakihan ang dalawang maletang dala ko ay sa backseat ko nalang din inilagay.

"Sa Zapote crossing ma'am meron." Agaran nitong sagot ngunit may halong pagtataka ang tingin.

"Pababa nalang po ako dun kuya." Utos ko.

Kung bawal ako sa mga kaibigan ko sigurado naman akong ipagbabawal ni tatay sa mga kakilala niyang hotel ang pag a-accomodate sa akin. Kaya sigurado akong hindi niya iisiping pupunta ako ng Sogo at kung maba-ban  man ako may mariche pa naman at kung ano pang apartelle.

Saglit lang ang byahe at huminto na ang taxi sa tapat ng parking lot ng Sogo. Nagbayad muna ako bago ko ibinaba ang mga maleta ko.

Pinakatitigan ko ang kulay pula at dilaw na mababang building na nasa harapan ko. Kulay at straktura palang halatang cheap ang motel na ito. Nakakatawang isipin na mapapasok ko ang ganitong klaseng lugar.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon