CHAPTER 28

289 9 0
                                    

Chapter 28


*****

"MISS VP kahit sa parking meron pa ding mga nakaabang, kaya po sa guard house tayo dadaan," Paalala sa akin ni Heo ng makalabas kami sa opisina.

"Bakit ba tayo umiiwas?" Asar na tanong ko kay Heo.

"Ayaw po ng Chairman na may madagdag pang picture mo sa internet," Puntong saad nito kaya bukal sa loob nalang akong sumunod.

"Alam mo feeling ko superstar ako dahil sa mga tsismosang yan," Natatawang sinabi ko habang tahimik na pinindot ni Heo ang groundfloor button.

"Ako din Miss VP feeling ko deuteragonist ako dito," Pagtawa rin nito.

"Nga pala Miss VP ang dami pong tumawag sa telepono kanina para tanungin ang relasyon mo kay Xifer, mula sa international newspaper iyon. Callixto Newspaper na naka base sa New York. Iba din yang si Xifer sobra pala ang sikat noon sa NY run way Miss VP kaya marami ang kumokontak sayo," Imporma nito sa akin.

"Maliban sa picture ko doon sa polo bar nila Xifer wala naman na akong ibang picture sa internet diba?" Tanong ko pa.

"Opo. yung dati niyo kaseng litrato naka hard print siya at wala kahit saang internet sites," Hayag pa nito.

"Hayaan nalang natin ang  isyung yan, matutupok din yan. Tsaka hindi naman totoo ang mga nasa article," Pinal na sabi ko kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator.

"Sa east wing po tayo Miss VP," Turo ni Heo na sinundan ko naman.

Ang tinutukoy ni Heo na east wing ay ang facility hall ng building. wala nang ibang tao doon na nakakapasok maliban sa mga facility workers. Sa dulong bahagi ng hallway ay binuksan ni Heo ang pintuan kung saan bumungad sa akin ang kwarto ng mga guard. May iilan pang natutulog kaya naman maingat akong naglakad para hindi mag-ingay ang takong na suot ko.

Sa isa pang pinto ay doon kami lumabas ni Heo kung saan hinatid kami sa sixth gate ng building. Sa labas ay nandoon na ang sasakyan ko at naghihintay. Katulad kahapon meron ulet akong personal driver.

The next morning I was shocked when I open my eyes and saw my mother arranging some stuff in my suitcase.

Nagpupungas akong bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama para mapagmasdan ang ginagawa ni Nanay sa mga gamit ko.

"Morning Nay, ano pong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Sabi ng Tatay mo sa akin my business trip ka daw? E napansin kong wala kang inempake kaya ako na ang gumawa," Sagot ni Nanay habang umiiling iling pa.

Dahil sa sinabi ni Nanay, noin ko lang naalala ang dapat kong gawin bukas. Masiyado akong nagimbal at naokupa dahil sa isyu ko at sa mga makukulut na reporters.

"Bukas pa po ang flight ko sa iloilo Nay. Baka namali ka lang ng dinig." Anas ko pa.

"Iwan niyo na ayan, mag-aasikaso na ako para sa pagpasok ko sa opisina." Dagdag ko pa.

"Sige anak." Tipid nitong bulong saka humalik sa ulo ko at lumabas na.

Tulad ng sinabi ko ay mabilis akong naligo at nag-asikaso ng aking sarili at tulad sa lagi kong sinusuot ay nag killer heel ako na pinares ko sa lady suit ko na kulay tone skin.

Pinusod ko lang ang ulo ko at nagmake-up ng kaunti. Tamad kong tinignan ang maleta ko at hinayaan nalang iyon, mamaya ko nalang aayusin pagkauwi ko. Lumabas na ako sa aking kwarto at nakasalubong si Tatay ng malapit na ako sa hagdan, siya naman ay paakyat.

"Nasaan ang maleta mo?" Tanong nito sa seryosong paraan na kinakunot ko ng noo.

"Diba bukas pa ang flight ko." Paalala ko sa napagusapan namin.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon