CHAPTER 22

348 11 0
                                    

Chapter 22

This chapter is dedicated to @TisoyBebe. Thank you for your votes, you made me smile always sis ☺️🤎

*****

I GLARED at Taki and sit properly, while arking my eyebrows up.

"Umupo ka nalang. Ang sabi ko kanina call me hindi meet me." Inis na saad ko kay Taki na paupo na. But, deep inside me, I am happy that he make some time to meet me today.

"Bawal bang bisitahin ka?" Mapanuyang tanong niya sa akin.

"Hindi naman iyan ang punto ko, akala ko ba busy ka? bakit pinuntahan mo pa ako at hindi nalang tumawag para mapag-usapan ang bagay na 'to?" Mahabang lintanya ko.

"Ayokong pag-usapan ito sa telepono lang Phoebe, napakaseryoso nito." Histeryang sabat pa ni Taki.

"Nakalimutan mo na ba? lagi ko naman itong nararanasan. Wala ng bago." Pampapakalma ko.

Sa totoo lang, may takot at kaba mang nararamdaman, isinasawalang bahala ko na lamang iyon dahil na din sa sanay na ako. At saka baka hanggang call lang naman iyon, walang dapat na ikabahala.

"Pero iba 'to! Pip, I blocked him, pero ano? ayun kumukuha pa din ng bagong number para lang matawagan ka." Laban pa niya.

"Malay mo naman diba, gusto niya lang talagang makuha ang atensiyon ko kaya ganyan." Sagot ko, pinapakalma ang sarili maliban kay Taki.

"Hindi, pano kung hindi siya makuntento sa tawag lang na hindi mo pinapansin at maisipan niyang puntahan ka para makita ng personal?" Pananakot ni Taki sa akin na alam kong naging epektibo.

"Huwag mo akong takutin! Malay mo naman Ksp lang yan, alam mo yun kulang sa pansin." Bulyaw ko medyo pinapagaan ang hangin sa aming paligid.

"Hindi sa tinatakot kita, kailangan mo lang maging mapagmatyag sa paligid mo. Dahil hindi normal ang ginagawa at pinagtetext niya sayo, isa pa! Magseryoso ka nga!" Inis na ang umiiral sa boses ni Taki kaya kumunot ang noo ko at mas lalong nakuryoso sa mga mensahe na ipinapadala ng lalaki.

"Ano ba kase ang pinagsasabi noon sa mga mensaheng pinapadala niya?" kuryosong tanong ko.

"Buti at number ko ang ibinigay mo, huwag mo ng alamin pa Pip." Pinal na saad ni Taki bago tumayo.

Tiningala ko siya at tinaasan ng kilay para kuwestyunin ang kilos na ginawa niya.

"Aalis na ako, may pulong pa akong dapat puntahan. Isiningit lang talaga kita." Pagsagot nito sa akin.

"Ingat ka." Anas ko nalang.

"Ikaw ang mag-ingat, huwag kang aalis ng walang kasama, okay?" Pagpapaalala ni Taki bago humakbang palapit sa akin at humalik sa aking noo.

Matapos iyon ay mabilis siyang umalis kaya muling tumahimik ang aking opisina, dahil hindi ko pa nauubos ang inumin ko na lumamig na ay muli kong tinawag ang sekretarya ko para muling magpabili.

Kung iisipin, mukha namang mabait at inosente ang mukha ng lalaking nanghingi ng number ko. Ang hirap isipin na magagawa niyang tumawag ng tumawag kahit makailang beses na siyang na blocked. O, talagang pursigido lang siya? Ang hirap mang-akusa ng kapwa lalo na at mabait at katiwa-tiwala ang hitsura nito.

Siguro ay totoo talaga ang kasabihang,   Huwag husgahan ang labas ng libro kung hindi pa lubos na nakikilatis ang laman nito?

"Ms VP, ayos lang ba kayo?" Marahang tanong ni Heo sa akin habang marahang inilalapag ang kape.

"May gagawin pa ba ako?" Tanong ko bago sumimsim sa aking kape.

Mabilis na tinignan ni Heo ang tablet niya at may pinindot pindot bago muling ibinaling ang tingin sa akin.
Bago siya nagsalita ay nakuha ko pang uminom kaya nahinto ito ng ilang sandali at hinintay na matapos ako bago nagtuloy sa sasabihin.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon