Chapter 31
*****
"DATI, Hindi na ngayon?" Tanong pa nito at mataimtim na nakatitig sa mga mata ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay para akong nakalutang sa ere, o nalulunod sa kailailaliman ng dagat dahil sa kanyang mainit na tingin?
Matagal ko siyang pinakatitigan kaya't napagtanto kong seryoso siya sa oras na ito. Nakakapanindig balahibo ang paraan ng pagiging seryoso niya, Sobra sobra ang kabog ng dibdib ko.
"Ano ba ang tinutukoy mo?" Patay malisyang tanong ko hindi mawari kung saan pwedeng tumungin maliban sa naghahamon nitong mata.
"Alam kong alam mo Phoebe." Seryosong bulong pa nito at mabagal na inilalapit ang mukha sa akin.
"Hindi ko alam ang pinapahiwatig mo. Matulog nalang tayo." Sagot ko at saka tumalikod. Pakiramdam ko kapag pinatulan ko siya masusunog ako, it seems like I will play with the fire.
Gusto kong ibahin at ilihis ang usapang ito, Dahil nanghihina ako sa hindi ko alam na dahilan. Katulad nga ng lagi kong sinasabi, Pagdating kay Deq, hindi ako laging sigurado. Magulo, nakakalito pero may galak sa puso kahit ganoon ang sitwasyon ko.
Impit akong napatili ng sa pagtalikod ko ay yumakap sa aking baywang ang matitipunong kamay ni Dreq. Tagumpay man sa pagtalikod sa kanya ay hinila naman ako ng braso nito na nakapalibot sa akin para mas mapalapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" I asked caught off guard pero kilikilig. see, that's what you called pa hard to get pero marupok.
"Niyayakap ka." Simpleng anas nito. As if hindi ko alam na iyon nga, I want to hear a different answer, an explanation to his action so that I can avoid assuming right?
"Teka, bakit mo naman ako kailangang yakapin?" Kunway nagtatakang tanong ko at mabilis na umikot paharap kay Dreq.
I let his arm hold me tightly and look up at him. Ang pabebe ko rin talaga, bibigay pa din naman. Kainis.
"Oo nga naman." Ilang na sambit nito at saka dahan dahang inalis ang nakayakap niyang kamay sa akin.
Saglit kaming nagkatitigan at nakakailang na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Lumakbay pa sa kung saan ang mga mata nito na ikinataas ng kilay ko. Ito ang kinaiinis ko sa lalaking ito, marunong magpaasa pero di marunong maging consistent.
"Haharot pero aatras? Ano ba yan sir ang hina niyo." Mapanutyang banat ko para pagaanin ang paligid. Nakakuha na din ng lakas ng loob para hayaang muli ang sarili kong maging masaya sa piling ng lalaking gustong gusto ko.
"Anong mahina?" Mapanghamong tanong nito.
"Bakit hindi ba? sir, wag ka ng mag-angas diyan." Pangaasar ko pa.
Mahina akong napatawa ng masama itong tumingin sa akin at muling ibinalik ang kamay sa pagkakahapit sa aking baywang.
"Itigil mo yan Phoebe." Banta nito at mas hinapit pa ako palapit sa kanya.
"Ano naman ang ititigil ko? Hanggang ngayon ba pikon ka pa din sir?" Lintanya ko pa at umatras palayo.
"Tsk." Anas nito na kinangisi ko.
"Ay..." Nabiglang ungot ko ng bigla ako nito gawaran ng mabilis na halik.
"Luh? Bakit nanghahalik?" Nangaasar pang tanong ko.
Shit naman e, he shouldn't just kissed me or else I will definitely offer myself to him this time. Hindi ko naman itatangging nagustuhan ko ang nangyari sa amin noong nakaraang gabi. I won't even deny that I wish it to happen again. Whipped!
"Tsk... really? Ganyan ka talaga magre-react?" Kunot noong tanong nito may mapaglarong ngiting sumusupil sa labi.
"Pano ba dapat?" Balik tanong ko.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...