CHAPTER 3

634 18 0
                                    

Chapter 3

PABABA ako ng kotse ng maramdaman ko ang isang presensiya ng lalaki. Nasa parking lot ako ng school at ilang minuto nalang malelate na ako sa klase ni Sir Dreq pero wala akong pake kaya mabini lang ang mga galaw ko. Kinuha ko ang bag ko at isinara ang pinto.

"Hatid na kita." Anyaya ni Cris ng humarap na ako sa kanya.

"Ikaw pala yan. Hindi kita pinansin agad kase akala ko kung sino lang." Apologetic kong sinabi. At dahil nakaamba ang kamay niyang kunin ang mga gamit ko inabot ko na sa kanya ang mga ito kaya kahit isa ay wala na akong bitbit.

"Late ka na Rusiaña hindi magandang record yun sa katulad mong honor student." Halata sa boses nito ang pag-aalala. Tinatahak na namin ang daan patungong Law Building.

"Late or not hindi makakasira sa akin iyon." Medyo mayabang kong sinabi.

Habang naglalakad sa hallway ng building ay pinagtitinginan kami ni Cris. Lalo na ng pumasok kami sa elevator halos lahat ng nasa loob ay sa aming direksyon nakapinid ang mga mata. Issue's obviously written in their faces.

"Rusiaña pwede bang sabay tayo maglunch? Susundiin kita." Tanong ni Cris ng nasa tapat na kami ng room ko.  Nginitian ko siya at tumango bago pumasok sa room.

"Salamat." Rinig kong sinabi niya na binalewala ko nalang kase tinarayan ko pa ang professor kong nagtuturo na sa harapan. I snob him and I directly go on my seat. Hindi naman ako nito pinansin kaya nakinig nalang ako sa mga Constitution na pinagsasabi niya ng Pilipinas.

"Bakit ka late? Wala pang four nung umuwi tayo kanina ah. Saka keri mo namang gumising ng eight o'clock para hindi ka malate." Bulong ni Kledia sa akin.

"Wala lang tinamad lang ako kumilos kanina." Balik bulong ko. Totoo naman actually wala sana akong balak pumasong sa subject na ito. Kahit isa ang Philippine Constitution Subject ang major ko.

"At anong dahilan ng katamaran mo?" Muling bulong pa nito.

"Ano pa edi ang lalaking yan na nagsasalita sa harap." Napataray pa ako nang sinabi ko iyon.

"Ms. Compestella can you share to the whole class what is you whispering in Ms. Kledia's ear?" Biglang sabad ni Sir Dreq sa bulungan namin ni Kledia. Ang lalaking ito naeenjoy ang pamamahiya sa akin.

"Hindi niyo naman kailangan malaman, mananahimik nalang ako." Pilyang sagot ko at nginitian pa si Sir.

Dahil na bad trip nanaman ako ni Sir Dreq ay hindi ko na namalayang natapos ang kanyang klase at tapos na din ang sumunod ko pang subject. Bumalik lang ang ulirat ko ng tapikin ako ni Kledia.

"Nasa labas si Cris, hindi mo sinabing magsasabay kayong maglunch? Pano yung mga bata?" Takang tanong nito.

"Oh. Ikaw nalang ang magdala if ever may magbigay nanaman sakin ng food pag wala naman manghingi ka nalang sa akin ng pera." Anas ko habang nagaayos ng gamit. Mabilis din kaming lumabas para hindi kami ang mag-ayos ng mga upuan.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko kay Cris na nakasandal sa gilid ng pinto.

"Hindi naman." Sagot nito at hindi na nagpaalam para kunin ang mga bitbit ko.

"Salamat."

"Saan mo gustong kumain? Sama ka na din samin Kledia." Tanong nito at nginitian kami ni Kledia.

"Ay salamat Cris. Sa Greenwich nalang tayo alam kong nasa dulo pa ng Academy yun pero kase ayon ang gusto ni Rusiaña ngayon." Pagpapaliwanag ni Kledia na nagpangiti sa akin. Kilala niya na talaga ako, pag alam na niyang bad trip ako alam niya nang pizza lang ang katapat ko.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon