CHAPTER 34

291 7 0
                                    

Chapter 34





*****

"DREQ HINDI ka pa ba babalik sa office?" I asked Dreq when I saw the clock.

It's already five p.m and he is still here sitting at his sofa and watching Lucifer from netflix with me.

"Nag-out ako ng maaga so let's just continue watching." He said and stretched his arm to my waist.

Hindi ko na dinugtungan ang usapan at sumandal na lang sa balikat ni Dreq at tinutok ang mata sa napakalaking T.V ni Dreq dito sa sala.

Meron siyang marathon room pero hindi ako pumayag na doon kami manood dahil ng makita ko ang kadiliman ng kwarto at dekorasyon nitong LCD lights ay umatras na ako. Masyadong lumalalim ang imahinasyon ko at ayoko namang isipin ni Dreq na napaka-manyak ko.

Nang matapos ang episode na pinapanood namin ay pinindot naman ni Dreq ang next episode, hindi pa nagkakalahati ang palabas ay ramdam ko na ang nakakakiliting paghimas ni Dreq sa kanang bahagi ng tiyan ko. Parang kanina lang nakahawak lang siya sa baywang ko ngayon humahagod na ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko.

"Nakikiliti ako." Mahinang bulong ko.

"Want me to stop?" He asked yet continued what he was doing.

"You like touching my stomach  magsawa ka diyan." I said, my way of telling him to dont stop.

After that short and simple talked, hindi na kami muling nagsalita pa at itinutok nalang ang mga mata sa palabas pero ang kamay ni Dreq ay humahagod pa din sa tiyan ko.

Nang matapos ang episode na pinapanood namin ay sinabi ni Dreq na wag na daw kami manood at magpahinga na ako. Doon ko lang namalayan na alas nueve na pala ng gabi, sa sobrang tutok ko sa panonood naka lima o apat ata kaming episode.

"Mag hahalf bath lang ako bago matulog." Anas ko saka tumayo para pumasok sa kwartong pinapagamit sa akin ni Dreq.

Nang makalabas ako ng banyo at makapagbihis ay mabilis akong nagtungo sa sala para tignan kung nanatili ba si Dreq o umalis na ba, medyo nalungkot ako sa naisip na nakaalis na nga siya dahil sa tahimik na paligid.

"Dreq!" Manghang saad ko ng makita itong nakaupo pa din sa sofa.

Nahiya pa ako sa kinalabasan ng boses ko na halatang halatang masaya kaya napatakip ako sa bibig ko  pero dahan dahan ding inalis ng hindi ito lumingon na kinabusangot ko.

"Dreq dito ka nalang matulog, please?" Utos ko habang papalapit dito.

Napangiti ako ng makita kong nakapikit na nga ito, Sure na ito dito siya matutulog. Tumabi ako sa kanya at nakangusong pinakatitigan siya.

Hindi ba siya nangangalay na matulog ng nakaupo ng ganito katuwid? kahit ang ulo niya ay hindi man lang nakayuko ako pa tuloy ang nangangalay sa posisyon niya.

"Dreq" Bulong ko sa punong tenga nito.

Mabilis siyang dumilat at humarap sa akin.

"Sa kwarto ka na matulog, tara na baka mangalay ka diyan." Saad ko at tumayo at hinila ang pulso ni Dreq.

"Hindi na, uuwi na ako, huwag mong kalimutang i-lock ang pinto." Anas naman ni Dreq at tumayo.

"Dito ka na nga matulog." Pangungulit ko pa saka sumunod sa lumalakad ng si Dreq palapit sa pinto.

"Hindi na, i-lock mo na itong pintuan para makampante ako sa pag-uwi ko." Utos pa nito, lalo akong napabusangot ng hawakan na nito ang doorknob.

"Dito ka nga matulog para mas kampante ka Dreq." Inis at may tampong hayag ko.

Stealthy Desire - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon