Chapter 5
_
_
_
_
"PHOEBE hija, naglinis ako kahapon ng kwarto mo, ipinagtataka ko na ang isang aparador mo ay nakakandado?" Tanong ni nanay sa akin. Sabado ngayon at wala akong ginagawa kundi manood ng manood ng k-drama. At ang pinapanood ko ngayon kasama ng kapatid kong nahawa na din sa akin manood ay 'flower of evil' na pinagbibidahan ng butihin kong asawa na si Lee joon gi. Mga be ang basa sa Lee ay 'ih' respeto sa mga koreano hehe.
"Nanay kase heavy clothes na lahat ng nandon. I locked it because I know you will clean those if you can open my cabinet." Nakangiting saad ko bago kami nagtitigan ni Phoenix because he is the only one in this family knows what is the real things in my cabinet.
"Abay ganon ba? Okay lang naman anak hindi mo na kailangang i-pod lock pa iyon."
"I insist nanay, ayoko lang makitang binubuhat mo yung damit na mabibigat. Actually nay I can do those if you just allow me." Pagpapacute ko. Baka sakaling hindi niya na galawin ang mga gamit ko.
"Hindi na hija. I know you're already tired in your school works, so don't mind the house chores." Ngiti ang binigay ni nanay na never ko pang natanggihan. Jusko kailan ba ako magkakaroon ng me time sa mga gamit ko?
"O siya ituloy niyo na yan at magluluto ako ng meryenda."
"Sige nay." Sabay naming inusal ni Phoenix.
"If I were you... I will just tell them what I want now, so I will not hide my precious things." Pagpaparinig ng kapatid ko na isa ring may itinatago sa mga magulang namin.
"Shut up Phoenix kung ayaw mong masipa ko ng malakas yang bibig mo."
"Bayolente!" Anas nito at tumingin na sa screen kung saan pinlay ko ulet ang flower of evil.
Hindi ko na siya pinansin at ibinigay ang buo kong atensiyon sa palabas.
Kinahapunan saktong alas kuwatro ay tapos na kaming mag meryenda at dahil wala na akong magawa at wala akong balak na mag punta sa kahit anong bar ngayon ay binalak kong magpaalam kay tatay na gagala muna ako. But, before anything else ay naglinis ako ng patio at nagdilig ng halaman ni nanay saka ako pumanhik sa loob ng bahay at pinuntahan si tatay sa kanyang opisina.
"Tay, can I go to mall right now? Kailangan ko ng bumili ng bagong sticky notes at pens. Ubos na ang stocks ko e." Mahinang paalam ko. Nagdadasal na sana ay payagan ako para naman makagala na ako.
"You can't hija. Bukas na lang tayo bumili after we attend the church." Saad nito na may pinal na tono.
I know that this is what he's going to say but I still try. Baka sakaling magbago na ang sagot niya sa limang taon kong pagpapaalam sa kanyang pupunta ng mall para bumili ng kung ano ano. At nabigo nanaman ako wala ng bago. Sa edad kong ito hindi pa rin ako pinapayagan umalis ng bahay ng magisa. Kailangan kasama si nanay or si tatay mas mabuti kung silang dalawa ang kasama. Kailan ba ako magiging ganap na legal?
"Okay tomorrow it is." Nakangiting saad ko. "Gotta go tatay gagawin ko pa mga assignment ko."
Tango lang ang sagot nito kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas at magtungo sa aking kwarto at nahiga sa kama. In this kind of time wala akong ginagawa maliban sa humiga, tumitig sa kisame at magisip kung saan maganda pumunta kapag sinipag na akong tumakas.
__________________________
"TARIUS Kibo...... Taki Ta....ki." Bulong ng lalaking pumalit sa pwesto ni Kledia.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...