Chapter 25
*****
"UHH.." Pag-aray nito sa kakaibang paraan.
Ako ang nahiya sa pag-ungol na ginawa nito kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa comfort room na nasa loob din mismo ng opisina ko.
"Ang manyak ng siraulong yon!" Inis na pagkausap ko sa sarili.
Nabatukan ko pa ang sarili ko dahil sa pamumula ng mukha ko. Talaga Phoebe? May pag-blush talagang nalalaman? This is unfair! Ilang taon akong nag move on!
Ang nakakainis lang ay naapektuhan pa ako ng kalaswaan ng lalaking yon.
Saka anong mabango ang tinutukoy niya? Bwiset siya.Ang sabi niya lalandiin niya ako pero itong ginagawa niya pangmamanyak to! Manyak siya!
Wait? so, inaabangan ko din ba ang panglalandi niya? Bwiset! Hindi nga ako magpapalandi!
"Rusiaña joke lang yun," Maingat na pagtawag ni Dreq na nasa labas ng banyo.
Nag-init nanaman ang ulo ko dahil sa narinig. Puro nalang siya joke nakakainis na. Hindi naman ako natutuwa sa joke niya.
"Edi joke, umalis ka na!" Bulyaw ko pa.
"H-hindi. Phoebe lumabas ka na diyan. Usap muna tayo," Pagpapakiusap nito, sa lumanay ng boses niya iisipin kong baka nagdarasal niya. As if, nagdadasal ang taong yun.
"Ayaw ko! manyak ka!" Muling sigaw ko. tsk, nagiging eskandalosa pa ako dito sa opisina.
Ayaw kong lumabas dahil ayaw kong makita ni Dreq ang pamumula ng pisngi at taenga ko. Mamaya mag-assume pa siyang gusto ko ang ginagawa niya.
Hindi ko gusto iyon, ayaw ng utak ko pero ang walang hiya kong puso kung ano anong ginagawa sa katawan ko. Ang rupok!
Naghilamos ako ng mukha para mapakalma ang nerves ko doon. Masiyado akong nag-iinit at kailangan kong mahimasmasan gamit ang malamig na tubig. Mahihimasmasan naman kaya ang nararamdaman ko kay Dreq? O.M.G! I mived on na nga diba!?
"Papasok na ko." Banta ni Dreq.
"You can't." Kasabay ng pagbitiw ko sa mga salitang iyon ay ang pagbukas ng pintuan ng restroom ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at pagkamangha sa pagkakabukas noon. Bakit naman kase hindi ko naisipang i-lock ang pintuang iyon? Na bobo ka na Phoebe?
"Bwiset!" Hiyaw ko pa at hinampas sa dibdib si Dreq ng magtangka itong lumapit.
Nahuli niya ang kamay ko at hinila ito palapit sa kanya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Nakuha ko pang i-appreciate ang bango niya, mabango naman talaga siya pero hindi ito ang tamanbg panahon para sa ganitong bagay! I need to pull myself together.
"Ako naman ang kausapin mo, Si Brock nga kinausap mo," Nakangusong sambit nito.
He acted like a jealous man but He easily hide it from me. The fuck!? May bago pa ba? Dapat sanay na ako sa ganito. Dati pa naman siyang ganito.
Kumunot ang noo ko sa inaakto ni Dreq pero isinawalang bahala niya iyon at basta nalang akong hinila pabalik sa sofa.
Siya ang unang umupo kaya naman ng paupo na ako ay wala akong nagawa ng buong lakas niya akong ipinuwesto sa kanyang kandungan.
Muling namula ang pisngi ko dahil sa naging posisyon namin. Nakaupo ako sa kandungan ni Dreq at nakagawi ang katawan sa kanan. Kitang kita ko kung may papasok man sa opisina ko.
"Naiilang ako." Bulong ko, at nainis ako dahil sa tonong nagamit ko. Napakapabebe! I should push him out of my office!
Nakapako ang mata ko sa aking pintuan, natatakot na ano mang oras ay bubukas iyon at makikita ang hindi kaaya ayang ayos namin ni Dreq.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...