Chapter 1
"RUSIAÑA muntikan ka nang malate loka ka. Second sem na magbago ka naman na. Nga pala may bago tayong professor pamalit kay Mrs. Matidad." Salubong sa akin ni kledia one of my friend.
"I don't need to be early for this semester. Late or not pumapasa ako na may uno sa card." Mayabang na ani ko. Alam kong late na kami pero dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng desire outfit ko for this day nagtungo pa kaming dalawa ni kledia sa restroom.
"Ano ba yan Rusiaña matalino ka kase kaya okay lang malate e paano naman ako? Hindi mo naman ako pinapakopya?" Natatarantang sabi ni kledia. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng kaibigang hindi na nga maharot napaka bait pa.
"Stop ranting kledia! Wag kang mag-alala pag classmate pa din tayo next school year I will always choose you as my group mate or partner para naman tumaas taas ang record mo sa pagtatapos mo ng kolehiyo." Pampalubag loob ko kay kledia na may halong pagmamayabang. E ano ba? May ipagmamayabang naman talaga ako ah.
"Tapos ka na? Halika na baka nandoon na yung bago nating professor." Natataranta nanaman ang boses niya. Kaya madali na kaming lumabas ng restroom.
While walking in the hallway every man is looking at my direction. If I am not mistaken Kledia is trembling in the attention she is seeing. Why not? I am the queen bee of this Academy.
I am Phoebe Rusiaña Compestella the peculiar queen bee of the Rocell International Academy. Everyone knows me and fear me. Hindi naman ako nakakatakot. I never hurt someone physically and emotionally they're just scared of me because almost every boy in this Academy will hurt you, take revenge for me when they hear nor see you back stabbing me.
Jusko hindi ko alam kung bakit ganoon nalang matakot ang iba sa akin e napakabait ko namang babae. Friendly din ako at pala ngiti. Kaya pag may nababalitaan akong napagtripan dahil binash daw ako ay napapatanong ako sa sarili ko kung anong ginawa ko para may masabi sila against me. But maybe one of my bashers issue of me is that their boyfriend is head over heel crazy for me. Kasalanan ko bang pinanganak akong maganda? At attractive na nilalang?
"Rusiaña alam ko yang nasa isip mo wag masiyadong feeling okay? Bilisan na nating maglakad at wag mo ng damhin ang pagsamba sayo ng mga lalaking yan nukaba pag nalaman to ng nanay mo baka batukan ka non." Panirang entrada ni Kledia.
"Epal! As if naman nananakit ang nanay ko." Taray ko kay Kledia at naglakad na ng mabilis ng may humarang sa aming dalawang basketball varsity.
"Rusiaña, to your first class?" Tanong ng mas matangkad na tinanguan ko lang.
"I'll carry your bag." Suhestiyon nito kaya mabilis kong iniabot sa kanya ang bag ko.
"Can I carry this? Ayokong nabibigatan ka Rusiaña." Anas naman ng mas maliit ng kaunti sa naunang lalaki.
"Ow thanks. What's your name?" Tanong ko ng may mabining ngiti.
"Cris Sulahedo" mabilis nitong sagot at kinuha ang tatlong libro ko.
"Thank you Cris. Can you Carry Kledia's bag too? Her bag is more heavy than my books." Isang ngiti ulet kaya mabilis nitong kinuha ang bag ni Kledia na hindi na nagdalawang isip pa dahil sanay na siya sa ganitong sitwasiyon.
"Ito talaga ang gusto ko sa lahat Rusiaña gumagaan ang pakiramdam ko e. Thank you talaga." Sabi nito at kumapit pa sa braso ko na hinayaan ko nalang. Hanggang baba ko lang si Kledia dahil maliit itong babae. Mga nasa 5'2 lang siya samantalang nasa 5'9 ang height ko kaya hindi na ako naghiheels.
Narating namin ang room namin na nakasara na ang pinto. Pero malakas pa din ang loob kong buksan iyon at walang pake sa kung sino man ang nasa loob na.
"Thanks boys. Sa uulitin?" Ngumiti ako habang sinasabi iyon. Tumango naman ang dalawa at mabilis na umalis hindi ko na binahala ang kakaiba sa naging ekspresiyon nila at tumuloy sa pag pasok. Si Kledia naman ay naiwan sa harap, nakaupo na ako ng magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...