Chapter 40
*****
"WALANG KASAL NA MAGAGANAP." Rinig kong sinabi ni Dreq. Napahinto ako sa ginagawang paglalakad patalikod sa kanila dahil doon.
Nilingon ko ang paligid dahil maging sila ay rinig iyon. Kahit hindi naka microphone si Dreq at may mahinang background music ay rinig ng lahat ang kanyang sinigaw.
"Dreq, what the hell?" Inis na sabi ni Celia sa microphone.
"Sinabi ko na sayo Celia, hindi ako papakasal at ilang beses ko nang ipinagdikdikan diyan sa kokote mo. Hindi ako papakasal kung hindi lang din naman kay Phoebe." Kung inis ang boses ni Celia kanina, mas inis ang boses na tugon ni Dreq pero sa mga huling salita na sinabi niya ay biglang lumambot at naging marahan ang kanyang boses.
Napasinghap ang lahat maging ako sa aming narinig. Lalong nagkaroon ng bulungan ng may marinig kaming tunog mula sa isang malakas na sampal.
Hinarap ko sila at ganoon nalang ang gulat ko ng makitang sa akin matamang nakatingin si Dreq kahit na sinampal siya ni Celia.
"Babe, don't look at me like you don't care about me." May sakit na saad ni Dreq.
Dahil sa komusyon ay tinigil ang tugtugin kaya kahit mahina lang iyon ay rinig na rinig ng lahat lalo na at may mahina pa itong pag eco.
"Dreq what the fuck are you saying? Magagalit ang Daddy mo kapag sumuway ka pa!" Malakas na sigaw ni Celia.
Mukha siyang evil witch sa soot niyang itim na fitted gown, at sa nanggagalaiti niyang mukha. Sayang ang ganda niya, nagmumukha naman siyang tanga.
Hindi ko na binigyang pansin ang ginagawa nila, muli akong tumalikod at para umalis na ng tuluyan sa party na ito. Nasira na ang gabi siguradong awkward kung itutuloy pa ang party.
"Phoebe Rusiaña Compestella!" Malakas na sigaw ni Dreq.
Wala sa sarili akong napahinto, bumalik bigla ang mga alala sa akin. Ang mga araw na magkakasagutan kami sa room at kapag nainis na siya ay isisigaw niya ang buo kong pangalan gamit ang napakalakas at buo niyang boses.
Yung sigaw na halata mong nagpapapansin sayo para bigyan mo ng pansin, Para ituon mo sa kanya ang iyong mga mata. Pero noon pa iyon, kung dati ay pakatititigan ko siya at manlalaban sa kanya sa pamamagitan ng masamang tingin. Puwes nagkakamali siya dahil hindi ko siya tatapunan ng kahit isang sulyap.
Nagpatuloy ako sa aking paglakad para makalabas na ng hall na ito. Hindi ko na kaya, nagiging emosyonal na ako. Gusto ko ng bumitaw at kung magtatagal pa ako alam kong babalik ako kay Dreq dahil marupok ako. Kapag ganyang nagsusumamo siya ay rumurupok ako. Pero hindi na pwede, kahit nakakakuha ako ng sobra sobrang atensyon mula sa mga tao sa paligid ay wala na akong pakealam. Mas marapat lang na umalais na ako para maalis na ako sa lugar na ito.
"You cant just run away from me babe." Biglang bulong nito sa punong tainga ko.
Hindi ko man lang naramdamang nakalapit na siya sa akin. Napahinto nalang ako sa aking paglalakad dahil sa kamay niyang nakahawak na sa bewang ko at nakalapit na sa kanang tainga ko ang mukha niya.
"DREQ ANO BA!?" Malakas na sigaw nanaman ni Celia. Ito ang halatang papansin, may mikropono na, sumisigaw pa.
"Im sorry Phoebe, hindi na ako uulet. Ayokong mawala ka nanaman sa akin. Babe..." Mahinang bulong muli nito. Hindi na pinansin ang pagwawala ni Celia at bulungan ng tao sa paligid.
Hindi ako makapagsalita. Natutuwa ata ang baby ko dahil sa presensya ng kanyang ama dahil kahit naiiyak ako ay masaya naman ako.
"A-ah..." Napakahinang daing ko, pinilit ang sariling hindi iparinig sa katabi.
BINABASA MO ANG
Stealthy Desire - COMPLETED
General Fiction[GENERAL FICTION//MATURED CONTENT//R-18//COMPLETED] 'Being inlove means being imprudent' Phoebe holds that quotation the moment she realized that she had a feelings for her hot-headed professor. Kung tutuusin parang sa kanya nga lang laging galit at...